← Back to Home
Awayang MEMErimar at Inocencia, nauwi sa ‘Laro Laro Pick’! | It’s Showtime

Awayang MEMErimar at Inocencia, nauwi sa ‘Laro Laro Pick’! | It’s Showtime

Awayang MEMErimar at Inocencia, nauwi sa ‘Laro Laro Pick’! | It’s Showtime

🕒 7/18/2026, 7:58:11 AM420 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeDigiDigiDingDong#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Memerimar#Ogie Alcasid#Inocencia#Kim Chiu#Amy Perez#MC Muah#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Ngayong Sabado, nagbalik ang mga reyna na rumampa at tumalak nang may ningning. Ang kanilang beauty, wit and confidence, soaring at hindi underwhelming. It's another Miss Q and A weekly finals sa "It's Showtime."

You will surely love ang mga beki na LOVE-an na LOVE-an sa talakan—Lola Move, ML Tucay, Carla Tamayo, Jomaima Johnson, at Cyrich Castillo. Bongga ang pagpasok ng biyaya sa mga kandidata. Ang chika, magkakaroon ng pelikula si Lola, 'yun ay kung matutuloy pa ba ngayong ligwak na siya sa kompetisyon.

Ang apat na candidates na naka-survive sa Tumpak Ganern round, dumiretso sa Wit Lang kung saan sinagot nila ang mga tanong na may kinalaman sa mga eksenang pangkaraniwang nararansan sa mga tahanan, magkakaibigan at pamayanan.

Stand out ang sagot ni ML, na sinabing mas masarap pakinggan ang talk ng ina sa umaga kaysa sa ingay ng kapitbahay na inumaga sa videoke. Short but pak naman ang mensahe ni Carla, na sinabing mas iiwasan niya ang kaibigan na utang nang utang kaysa sa kaibigan na singil nang singil.

Isang intense na Beklamation round ang ibinigay nina ML at Carla as they took on the same question, "Okay lang ba na makipagkaibigan sa kaaway ng kaibigan mo?" Magkaiba man ang punto ng kanilang mga sagot pero parehong malaman. It's certainly one of the best Beklamation of the season, kaya super deserve nina ML at Carla ang korona. It's a tie! Pareho silang itinanghal na Miss Q and A Reyna Talaki-TALK of the week.

Samantala, sa Laro Laro Pick, kokoronahan ng swerte ang may pinakamataas na energy! Walang gustong magpatalo sa mga taga-Pio Del Pilar, Makati na bumida sa game arena for the chance na maiuwi ang P300,000 POT money.

Maagang dumating ang swerte kay player Viana, ang only survivor sa It's Giving round pa lamang. Pero kahit sigurado na ang paglalaro niya sa jackpot, tuloy pa rin ang showing ng Episode 7 ng 'Memerimar' at may additional P5,000 siyang matatanggap kapag nahulaan niya ang titulo ng kantang pinahuhulaan.

Sa latest episode ng Memerimar, the conflict thickens dahil mas tumitindi ang hidwaan nina Memerimar (Vice Ganda) at Inocencia (MC) sa puso ni Sergio (Vhong Navarro). Eh kung idaan na lang sa 'Laro Laro Pick' ang conflict?! Awat na raw sabi ni Ms. Trina, na hindi masyadong natutuwa kahit pa birthday niya. OK na OK ang kulitan, pero hindi OK 'yung sobrang OT!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.