May comeback na ayaw mong maramdaman sa buhay, parang ex na biglang nag-'hi.' Pero may comeback din na nakaka-happy, mapapasabi ka ng, "Ay, finally!"
Kaya ang mga Miss Q and A candidates na ipinatawag sa kauna-unahang wildcard round of the season, nagbabalik sa “It’s Showtime” with wit and confidence na hindi ma-hide. Level up na ang talakan sa unang Resbakulawan!
Heto pa ang isang nakakatuwang pagbabalik. Ang kinagiliwan noon na 'Showtime' kid na si Yorme, napadaan to celebrate his birthday habang nanonood ng It's Showtime. At kahit saglit lang nasilayan, instant throwback feels at good vibes ang hatid niya sa sambayanan.
Samantala, kapag may emergency, sila ang umaaksyon at nagbubuwis ng buhay. Ngayong Lunes, energy nila ay rumaragasa sa game arena. Sila ag mga Madlang Rescuers na bumida sa Laro Laro Pick.
Pagkatapos ng mga eksenang nakakakiliti sa Act-Song round na You Gotta Lyric, si Chie lang ang naka-survive kaya siya ang umabante sa jackpot round kung saan matapang niyang sinugalan ang P300,000 POT question.
Walang inuurungan ang rescuer na tulad ni Chie! 'Yun nga lang, nang basahin ni Vice Ganda ang POT question, para bang umurong ang kanyang dila, siya'y natulala't walang nasabi sa tanong na, "Anong galaxy ang kinabibilangan ng ating solar system?" Ang tamang sagot ay Milky Way!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
