Para sa mga nanay na araw-araw lumalaban nang tapat, kahit walang pahinga at palaging puyat. Sa bawat umaga, ngiti pa rin ang salubong para sa pamilya. Happy Mother's Day, sa mga dakilang ina! Isang early treat para sa mga mommies ang inihanda ng "It's Showtime" family.
Ang unang regalo, world-class performance ni "America's Got Talent" Season 20 grand winner Jessica Sanchez sa entablado. Sa pangunguna ni Vice Ganda, mainit na sinalubong ng "It's Showtime" family ang Pinoy Pride, na may nakalinyang shows para sa kanyang mga kababayan. Umupo rin si Jessica bilang isa sa mga hurado sa 'Tawag Ng Tanghalan' BARMM Regional Finals.
Samantala, dahil deserve nila ang korona, mga nanay ang reyna sa Laro Laro Pick game arena. Dala nila ang mga kuwentong may kurot sa puso, katulad ng motherhood journey ni Weng, na nagpapatunay sa kasabihang ang pagiging ina ay hindi nasusukat sa dugo.
Maging si Vice Ganda ay naging emosyonal sa kuwento ni Ambeck, na nagpakatotoo sa mga challenging parts ng pagiging ina, katulad ng pagod at minsang 'di pagkakaunawaan nila ng mga anak. Pag-amin ni Ambeck, struggle is real sa komunikasyon at paggabay sa mga anak na Gen Z. Kaya grateful din siya kay mister who doesn't make her feel alone and lonely.
Paalala sa kanya ni Meme, pwedeng mapagod ang isang nanay. At sa mga oras ng pagkapagal, mahalagang kilalanin ang sarili upang alam mo rin kung ano ang magbabalik ng 'yong ngiti.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
