← Back to Home
LIVE CHISMIS? Vice Ganda, minarites ang SHOCKING love life ni Grace | It’s Showtime

LIVE CHISMIS? Vice Ganda, minarites ang SHOCKING love life ni Grace | It’s Showtime

LIVE CHISMIS? Vice Ganda, minarites ang SHOCKING love life ni Grace | It’s Showtime

🕒 5/8/2026, 6:17:14 AM277 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimePangMAYlakasan#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Grace#love life#chismis#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Dumating din ang isa sa pinakahinihintay na araw. It's Fri-yay, kaya kumembot at sumigaw! Pero bago ang TGIF party-party, maki-join muna sa kulitan ng "It's Showtime" family.

Mainit ang pagtanggap ng Madlang People sa nag-iisang Vice Ganda. Parang nakakita ng buhay na manika! 'Yun nga lang, parang nabuhay ang 'pika' ni Meme dahil sa mali-maling pronunciation ng nickname niya. Hindi siya si "Mimi" at hindi rin "Meh-Me." Call her "Me-meh!"

Maya-maya pa ay nakahanap ng perfect combo si Vice Ganda sa 'Laro Laro Pick' game arena. Dalawang pusong handa nang magmahal muli, mukhang may bagong spark na pag-uwi. 'Minarites' ni Meme ang love life ni Grace, na dalawang beses niloko ni ex-jowa sa loob ng pitong taon. Dahil nasanay na sa panloloko at nanawa sa kabibigay ng second chance, ayun, nang mag-break, she was just nonchalant. "Paubaya" by Moira Dela Torre ang peg ni teh!

Dahil everyday is a chance to love again, nagpaka-matchmaker si Meme at nireto si Grace kay player Mong, sabay nagpatugtog si M.O.D. ng kilig love song. Unti-unti, nagkalapit ang dalawa. Wala nang pakipot pa!

Bida rin si Cianne Dominguez sa game arena. Kahit no'ng una'y malaking "abala," bumawi si Cianne at ginalingan hanggang makarating sa jackpot round. May good chemistry sila ni Jopet, ang 21-year-old resort lifeguard na nabunot bilang partner niya laro. Young and free, walang takot na pinili ni Jopet ang POT question para sa pagkakataon na maiuwi ang P300,000. Sinunod ni Cianne ang gusto ni Jopet. Ang jackPOT money, kanila bang mage-get?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
LIVE CHISMIS? Vice Ganda, minarites ang SHOCKING love life ni Grace | It’s Showtime | Cheezmis