Ngayong summer, maraming nangangarap ng kilig na bakasyon. 'Yung tipong may ka-holding hands habang nanonood ng sunset sa horizon. While waiting for that perfect summer moment with 'the one,' dito muna sa "It's Showtime" damhin ang love at makipagkulitan.
Mamahalin mo rin ang kagandahan ni Ivana Alawi, pati ang game na game niyang personality. Anuman ang challenge, aba, walang kaarte-arte! Sa harap ng camera, hindi niya inurungan ang maiinit at maaaksyon na eksena with her new leading man, Joshua Garcia, sa seryeng "Love Is Never Gone." At para bang may naalala siyang nakakakilig—napatili ba naman nang pangalan ni Joshua ay marinig!
Kahit ang pinakamataas na energy sa 'Laro Laro Pick' game arena, nasabayan ni Ivana. Kumasa ang gorgeous Kapamilya star sa isang acting challenge with madlang taga-Muntinlupa, Denzo.
Pero kung akala n'yo ay bibigay si Denzo sa ganda ni Ivana, ibahin n'yo si Kuya, dahil ipinagsigawan lang naman niya na walang makapapantay sa ganda ni misis. Kahit itapat kay Ivana, si wifey pa rin ang nag-iisa at pinakamaganda sa kan'yang mga mata. Pati si Ivana ay napangiti at kinilig sa loyalty ni Denzo. In this economy, este, sa panahon ng mixed signals at mga paasa, panalo ka talaga sa taong tapat at hindi lang puro salita.
Hindi rin magpapakabog si Vice Ganda, na lumalaban ang face card kay Ivana. Pero biro ni Jhong Hilario, parang mas bagay kay Meme 'yung pangalang 'Giba Na.' Kuys Jhong talaga!
Maaga mang 'nalotlot' si Ivana, parang naka-jackpot na rin siya sa masayang experience sa game arena. Ang luckiest of them all na umabot hanggang dulo, si Teddy Corpuz, na bumunot ng isang eliminated player na may chance manalo. Pero nang basahin ni Meme Vice ang POT question, si Teddy, bakit napayuko't nanghinayang?
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
