Ang happiness na totoo, lumipas man ang panahon, hindi naglalaho. Mga lolo’t lola ng Makati, sa tawanan at kulitan ay hindi nagpahuli. Sa Laro Laro Pick ng "It's Showtime," goal nila ay magwagi.
Hindi man kumpleto ang mga ngipin, pero buong-buo pa rin ang ngiti sa mga labi ni tatay Cone, ang tricycle driver, sweet lover ng Makati. Sa pamamagitan ng pamamasada, naitawid niya ang pangangailangan at kinabukasan ng kan'yang mag-iina. Ngayong wala na si misis, hindi naman nagkukulang ang sampung supling niya sa pagmamahal at aruga. Pero, syempre, iba pa rin ang lambing ng asawa.
Si misis, kan'yang miss na miss! Lalo na 'yung mga bonding moments, katulad ng date time sa go-to mall nilang dalawa. Si misis lang ang paborito niyang angkas, one and only, walang ibang makatutumbas. Kaya para mabawasan ang pangungulila, pina-laminate niya ang larawan ng namayapang asawa at idinikit ito sa tricycle. Kaya feeling ni tatay, angkas niya si misis forever. Napangiti si Vice Ganda sa kuwentong 'wagas na pag-ibig' ni tatay Cone. Ang tamis, 'di ba, Meme?
Mula sa tamis, parang nabudburan ng 'bitterness' ang friendship nina Vice Ganda at Vhong Navarro, na nagka-'misunderstanding' habang nag-i-interview dahil sa diumano'y magugulong tanong ni Vhong. Naipit si gitna si Jhong Hilario, pero as a referee, naplantsa naman niya ang gulo.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
