← Back to Home
Ogie at Vhong, NAGKAINITAN sa laro Laro Pick! | It’s Showtime

Ogie at Vhong, NAGKAINITAN sa laro Laro Pick! | It’s Showtime

Kagulo ang magkakaibigan sa PILImination round dahil sa maling bilang ni Vhong ng mga bola, na agad din namang itinama. Pero mukhang hindi satisfied si Ogie sa paliwanag niya!

🕒 5/4/2026, 6:20:49 AM293 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Vhong vs Ogie#Ogie vs Vhong Laro Laro Pick#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime May 4 2026#Laro Laro Pick Showtime#

Kahit ang sikat ng araw ay nakakasilaw, sa good vibes ay hindi ka mauuhaw. Chill lang at magpahinga muna kasama ang "It's Showtime" family. Always remember, huwag iinit ang ulo, mga bhie!

Ngayong panahon ng Santacruzan at Flores de Mayo, rumampa ang mga escorts at reyna sa Laro Laro Pick game arena, sa May 4 episode ng "It's Showtime."

Walang nakatakas sa karisma ni escort Aljerou, na natural ang mga hirit at patawa, at in-interview pa si Vice Ganda. Kaya hirit ni Meme, baka kunin niya ito sa pelikula—hindi lang tayo sure kung bilang artista nga ba. Proud na ipinakilala ni Aljerou ang kan'yang real-life Reyna Elena, si Lian. Medyo selosa si GF, pero promise ni Aljerou, siya lang ang 'only one' sa kan'yang puso.

Feel na feel naman ni Mai ang ganda moment niya in her lovely gown. Beauty knows no age, dahil kahit mommy at almost 50 na, keri niyang panindigan ang crown. Malaking bagay ang Santacruzan to maintain her spark and confidence. Sabi nga Meme, "Because you are a mother, you will always be a queen."

Bukod sa mahuhusay rumampa, good job din ang players sa game arena. Na-survive nila ang pinakabagong challenge ng 'You Gotta Lyric' kung saan magpapaunahan ang players na mag-isip ng isang kanta na binabanggit ang salitang ibinigay ng host.

Ramdam na talaga ang init ng summer sa "It's Showtime" studio. Sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid, nagkainitan ng ulo? Kagulo ang magkakaibigan sa PILImination round dahil sa maling bilang ni Vhong ng mga bola, na agad din namang itinama. Pero mukhang hindi satisfied si Ogie sa paliwanag niya!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ogie at Vhong, NAGKAINITAN sa laro Laro Pick! | It’s Showtime | Cheezmis