← Back to Home
Showtime hosts, kinumusta si ‘Bossing’ Vic sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Showtime hosts, kinumusta si ‘Bossing’ Vic sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Showtime hosts, kinumusta si ‘Bossing’ Vic sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 3/19/2026, 6:20:54 AM291 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeTaasEnergy#Laro Laro Pick#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Jackie Gonzaga#Bossing Vic#Showtime hosts

Kung ang saging ay may puso at ang pinya ay may korona, dito sa "It's Showtime," puso n'yo ay sasaya dahil kayo ang hari at reyna. Endless ang tawa at excitement sa 'Laro Laro Pick' game arena kasama ang madlang players na nagmula pa sa Bagumbong, Caloocan.

Naaliw ang 'Showtime' hosts sa pagbisita ni Vic, ang tricycle driver na 'bossing' ng kalsada; pero sa bahay, si misis ang bossing niya. Napakuwento si Tatay Vic tungkol sa pagtitiis niya para sa pamilya ngayong apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina ang hanapbuhay niya. Kaunting higpit daw muna ng sinturon, but hoping na gagaan din ang buhay soon.

Mukhang si Tatay Vic ang patunay na basta driver, sweet lover. Dahil para sa minamahal na si Athena, he's patient and very giving. Kahit sa oras na may 'toyo' si darling, alam niya kung paano ibigay ang tamang lambing.

Nakilala rin natin si Regg, na may "32" pirasong bangs. Pero ang love niya for her solo parent na mommy, 32 times infinity. From 'Showtime' studio, muntik na nating maikot ang universe dahil kay player Jupiter, na kamag-anak din nina Venus at Mars.

Samantala, si Ion Perez ang naglaro sa jackpot round para sa nabunot na eliminated player na si Cathy. Sa una'y magkaiba ang gusto ng pares. Forda Li-Pot na si Ion, pero gustong ilaban ni Cathy ang P450,000 Pot question. Sa huli, dahil kay Ion pa rin ang may power na pumili, para sa anak ni Cathy na may ADHD, tinanggap na niya ang P40,000 Li-Pot offer, which was a good decision. Congrats, Cathy! Thank you, Ion!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.