← Back to Home
'Rufa Mae,' gustong makausap nang maayos si Erik | It’s Showtime

'Rufa Mae,' gustong makausap nang maayos si Erik | It’s Showtime

Nasorpresa si Erik at hindi nakapagsalita nang kausapin siya ni ex-babe, Rufa Mae, sa katauhan ni Alexa.

🕒 3/16/2026, 10:51:27 AM227 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Showtime#Tawag ng Tanghalan#Alexa Ilacad#Eric Santos#Rufa Mae Quinto#Amy Perez#Karylle#Jhong Hilario

Siguradong hindi n'yo na-miss ang transformation ni Alexa Ilacad bilang Rufa Mae Quinto sa "Your Face Sounds Familiar" over the weekend dahil trending lang naman ito sa social media. Si Alexa, meron pang hangover sa 'Booba' fever kaya hanggang "It's Showtime" stage ay nadala niya ang awrahang 'Comedy Bombshell.'

Todo na ang saya at swerte sa 'Laro Laro Pick’ kung saan naki-join si Alexa. Pero katulad ng mga naunang sabak niya sa game arena, agad-agad din ang pag-goodbye niya.

Sumalang din ang ‘Gen Z Total Performer’ bilang host sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ featuring the first batch of contenders from Region 8. Parang nag-align ang stars dahil isa si Erik Santos, na dating nobyo ni Rufa Mae, sa mga hurado. Nasorpresa si Erik at hindi nakapagsalita nang kausapin siya ni ex-babe, Rufa Mae, sa katauhan ni Alexa.

“Babe, kumusta ka na? Babe, sobrang fresh mo ngayon ha! Daig mo pa ang fresh lumpia… Babe, I miss you,” sabi ni ‘Rufa Mae’ kay Erik, na natawa na lang at hindi nakapagsalita. Hiling din ni ‘Rufa Mae’ ay sana makapag-usap naman sila nang “matino” at walang mga camera, kaya ang nakakatawang sagot ni Erik, “Gusto mo bang makapag-usap nang matino? Eh, umayos ka.”

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
'Rufa Mae,' gustong makausap nang maayos si Erik | It’s Showtime | Cheezmis