← Back to Home
Sino nga ba ang isang tao na gusto ni Carmelle na mag-stay sa buhay niya? | It’s Showtime

Sino nga ba ang isang tao na gusto ni Carmelle na mag-stay sa buhay niya? | It’s Showtime

Real na real ang emosyon ni Carmelle, kaya napaisip ang mga kuys at ate niya kung sino ang gusto niyang mag-stay sa buhay niya.

🕒 3/16/2026, 6:31:21 AM237 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Carmelle Collado#TNT Carmelle#Carmelle Tawag Ng Tanghalan#Carmelle PBB#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Kim Chiu#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime March 16 2026#

Singing her first solo single, "Stay," na unang pinasikat ni Carol Banawa, bittersweet ang hugot ng isa sa may pinakamagagandang tinig sa henerasyon ito, Carmelle Collado, na nagbabalik sa "It's Showtime" entablado.

Real na real ang emosyon ni Carmelle, kaya napaisip ang mga kuys at ate niya kung sino ang gusto niyang mag-stay sa buhay niya. Napa-reminisce tuloy ang "Riles Diva" sa life inside Bahay Ni Kuya. Miss na miss na raw niya ang pagiging housemate!

Siguradong hindi n'yo naman na-miss ang trending transformation ni Alexa Ilacad bilang Rufa Mae Quinto sa "Your Face Sounds Familiar" over the weekend. Si Alexa, meron pang hangover sa 'Booba' fever kaya hanggang "It's Showtime" stage ay nadala niya ang awrahang 'Comedy Bomshell.'

Todo na ang saya at swerte sa 'Laro Laro Pick' kung saan naki-join si Alexa. Ito na nga ba ang araw na inilaan para sa kan'ya? O baka naman katulad ng unang sabak niya sa game arena ay agad-agad din ang pag-goodbye niya?

Negativities, go away! Good vibes, please stay! Ang cravings natin today ay 'yung swerte na kumakapit, 'yung hindi tayo lulubayan dahil deserve natin ang buhay na puno ng success at kaligayahan. Ang happiness na 'yan ay matatagpuan dito sa "Its Showtime" na naghatid ng isang Lunes na star-studded.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Sino nga ba ang isang tao na gusto ni Carmelle na mag-stay sa buhay niya? | It’s Showtime | Cheezmis