Magpa-fresh at magpa-cool kasama ang "It's Showtime" family, na hindi nauubusan ng energy. Parang sina 'TNT Duets 2' champion duo Christian Tibayan at Arvery Lagoring, hindi nauubusan ng galing. From tanghalan, may bagong aabangan sa dalawang idol ng kabataan pagdating sa kantahan. Uulit-ulitin mo sa playlist ang bago nilang single titled "Paulit Ulit."
Replay button ay siguradong hindi mo rin titigilan, because for today's video, 'Laro Laro Pick' game arena ay puno ng fun kaganapan kasama ang madlang players na MAKATIzens.
Kinilala ng hosts si player Chenggay, isang matapang na bombera, na may nakakaaliw na kuwento kung paano siya napunta sa ganitong trabaho. Minsan daw siyang napraning dahil ang partner na bombero ay may history ng cheating. Kaya para mabawasan ang pangamba, 'sinundan' niya si partner at pareho na silang naging fire volunteers.
"Ano ba 'yung mga pangitain kapag may chick 'yung jowa?" tanong ni Jhong Hilario. Sa usaping 'yan, napapangiti na lang si Jackie Gonzaga, na para bang may naaalala. Para sa mga babaeng TH o tamang hinala, may tip si Ate Girl para malaman kung may extracurricular activities si mister. Mga misis, makinig kay Jackie at baka sakaling kayo'y may mahuli.
Naku! Lumitaw na nga ang karibal ni Jackie. Everybody, meet MC as Jackie Ng Tyan, ang best friend ni Cianne MADUMInguez. What multiverse is this, mga bes?!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
