← Back to Home
Sinong Kapamilya singer ang peg ni Michael Sager sa new look niya? | It’s Showtime

Sinong Kapamilya singer ang peg ni Michael Sager sa new look niya? | It’s Showtime

Pasado with heart-eyes emoji ang rating natin sa bagong look ni Michael. Kuwento ng ex-" PBB Collab " housemate, pinaghandaan niya ang kan’yang new role as a crooner, starting off with the visuals na pang-hit maker. Sino nga ba ang peg niyang Kapamilya singer?

🕒 3/17/2026, 6:27:20 AM279 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Michael Sager#Michael Sager Showtime#Michael Sager PBB#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Kim Chiu#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime March 17 2026#

This Tuesday, we choose happiness kasama ang "It’s Showtime” Tawag Ng Tanghalan hurado na parang forever bagets. Will never get old talaga ang mga hits ni Kyla katulad ng "Hanggang Ngayon." But there's something new from the Queen of R&B—isang bagong track, na sa chill playlist n'yo ay swak na swak!

Swak din ang timing ng pagsali nina Michael Sager at Zephanie sa 'Laro Laro Pick' game arena dahil nagkaroon ng chance si Jackie Gonzaga na mag-audition para sa musical television series ng dalawang bisita. Michael at Zephanie, pasado ba?

Pasado with heart-eyes emoji ang rating natin sa bagong look ni Michael. Kuwento ng ex-"PBB Collab" housemate, pinaghandaan niya ang kan’yang new role as a crooner, starting off with the visuals na pang-hit maker. Sino nga ba ang peg niyang Kapamilya singer?

Pero hindi singers, kundi players muna ang peg nina Zephanie at Michael sa 'Laro Laro Pick' kasama ang mga young-at-heart senior citizens mula Taguig. Memorya ng mga lolo't lola na bisita ay matatalas pa, kaya nga ba hindi nakakalimot si Lolo Andring sa tampuan nila ng misis niya?

Love, love, love pa rin ang nag-win dahil kahit anuman ang pagsubok o tampuhang dumating, sila ni misis ang forever mag-darling. Birthday ni Lolo Andring sa Linggo at bilang regalo, sagot na ng "It's Showtime" family ang hiling niya na bagong pustiso. Smile ka na, 'lo!

Lahat ay may kanya-kanyang klase ng swerte but the luckiest of them all ay ang manikuristang si Josie. Maiuwi kaya niya ang P350k jackPOT money?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Sinong Kapamilya singer ang peg ni Michael Sager sa new look niya? | It’s Showtime | Cheezmis