Mula sa Lion City of the South, dumayo sa 'Laro Laro Pick' game arena ang mga taga-Sta. Rosa, Laguna para maghatid ng good vibes at subukan ang kanilang swerte, sa January 19 episode ng “It’s Showtime.”
Nag-uumapaw ang kilig sa tanghaling tapat dahil sa nakakaaliw na kuwento ni player Malou, isang housewife. Dalawang dekada na silang magkasama ni mister. Minsang 'nagloko' si mister pero naibangon nila ang relasyon, na ngayo'y 20 years strong. Ang paborito nilang gawin pagkatapos ng trabaho? Syempre, mag-sweet-sweet-an! Biniro ni Vice Ganda si Malou at tinanong kung kailan huling naglambing si mister. Ang kanilang usapan, siguradong inyong kaaaliwan!
Samantala, milyun-milyong netizens na ang naaliw sa recent trending video nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Darren Espanto. Sa nasabing reel, makikitang sumasayaw sina Vhong at Darren habang walang kaalam-alam si Vice Ganda na nahahagip pala sa video ang pagbibihis niya.
Umabot na sa 46 million ang views nito sa Facebook, pero 'na-remove' ito sa Tiktok kaya may panawagan si Darren. "Ang daming nag-ge-get ready with me sa Tiktok pero bakit naman 'yung 'Get Ready With Me' ni Ate Vice sa likod naman natanggal." Biro pa ni Darren, "'Di ba po? Napaka-wholesome ng content. Ang daming napasaya."
"Wow! Inilalaban mo pa talaga!" reaksyon ni Vice, sabay hirit kay Darren, "Sabihin mo 'yan sa gumupit ng bangs mo, Darren. Hindi 'yung pinagti-trip-an n'yo akong dalawa!"
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
