← Back to Home
Our quote of the day is brought to us by Kim Chiu | It’s Showtime

Our quote of the day is brought to us by Kim Chiu | It’s Showtime

Need motivation? Ito na ang magandang 'sign' mo mula kay Kim Chiu!

🕒 1/19/2026, 5:30:57 AM263 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Quote of the Day#Showtime Quote of the Day#Kim Chiu Quote of the Day#Kim Quote Showtime#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime January 19 2026

Sa January 19 episode ng "It's Showtime," kumikinang with 'winner's glow' ang pinakabagong mga kampeon ng tanghalan, Arvery Lagoring at Christian Tibayan, na muling ipinarinig ang kanilang winning piece, "Kapag Ako Ay Nagmahal."

Kinumusta ng 'Showtime’ family ang grand champion duo ng TNT Duets 2. "Parang panaginip lang po ang lahat," sabi ni Arvery, na bagama't mag-isa lang lumuwas mula probinsya, lakas-loob na inilaban ang pangarap niya.

Ang ‘TNT Duets 2’ ang ika-apat na televised singing competition na sinalihan nila. Si Arvery ay produkto rin ng "The Voice Teens" at si Christian naman ay minsang sinubukan ang kapalaran sa "Idol Philippines." At bago ang ‘TNT Duets 2,’ pareho silang naging bahagi ng tatlo pang magkakaibang ‘Tawag Ng Tanghalan’ seasons kabilang na ang ‘TNT The School Showdown’ kung saan pareho rin silang nakatuntong sa 'Huling Tapatan.’

Dahil trend ngayon ang pagbabalik-tanaw sa taong 2016, napa-reminisce rin sina Arvery at Christian sa mga simpleng panahon na nangangarap pa lang sila na makakanta sa malalaking entablado. Kaya naman hiniritan ng 'Showtime' family si Ogie Alcasid na ipag-produce ng concert ang winning duo.

Sina Christian at Arvery, na palaging sabay nagdarasal bago mag-perform, ang patunay na 'everything happens in His time.' Bumangon sila sa mga pagkatalo at kumapit sa pag-asang darating ang tamang panahon para sa mga pangarap nila. Sabi nga ni Kim Chiu, "Everything that is happening in your life is never a rejection. It is just a redirection."

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Our quote of the day is brought to us by Kim Chiu | It’s Showtime | Cheezmis