← Back to Home
Vice Ganda, kinilala ang mga lalaking gustong PUMORMA kay Jackie | It’s Showtime

Vice Ganda, kinilala ang mga lalaking gustong PUMORMA kay Jackie | It’s Showtime

Vice Ganda, kinilala ang mga lalaking gustong PUMORMA kay Jackie | It’s Showtime

🕒 1/10/2026, 5:24:28 AM324 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeTunayNaGV#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Jackie Gonzaga#Vhong Navarro#Jhong Hilario

“Itigil na natin ‘yung ‘Laro Laro Pick.’ Sabado naman. Pauwiin na ‘yung [mga contestants] ng TNT,” pabirong sabi ni Vice Ganda. Dahil para bang naging dating show à la ‘EXpecially For You’ at ‘Step In The Name of Love’ ang mga eksena sa ‘Laro Laro Pick’ game arena, kasama ang ‘Makatizen’ players sa January 10 episode ng “It’s Showtime.”

Kung sa putahe, kumpletos rekados ang FUNanghalian ng Madlang People dahil lahat ng flavors ng comedy ay inihain. May rom-com 'ganap' nang si Jackie Gonzaga ay gawing 'bride' sa suot na all-white dress. Kung may bride, dapat may groom! Laugh trip ang pagkilatis ni Vice Ganda sa dalawang admirers na pumorma sa alaga niya. 

Nagpabida sina Prince Matthew at Anderson ng Tarlac City sa kani-kanilang pick-up lines. Si Prince, inihalintulad si Jackie sa bulaklak na mabangong tingnan; samantalang si Anderson ay gusto 'yung mabilisan, si Jackie, bet na niyang pakasalan! 

Pero mukhang masusulot pa ang mga tagahanga ni Jackie, dahil sa bulong ni MC. "Ano 'yung sinasabi mo, MC?" hirit ni Jhong Hilario. Dagdag biro ni Vice, "Naririnig namin dito, sabi niya, 'Pumapatol ka ba sa baklang may maintenance?'"

Comedy na may romance-drama naman ang eksena ng ex-lovers na sina Jeff at Maica. Mapaglaro talaga ang tadhana, dahil sa dami ng pwedeng mangyari sa mga buhay nila, ang plot twist ni destiny ay 'yung muli silang pagtagpuin sa game arena. Naikuwento ng mag-ex kung kailan sila nagkakilala at naghiwalay. Si Maica ang umayaw, hanggang sa nakilala niya ang bagong nagpatibok ng kanyang puso, si AJ.

Naging mas exciting ang kuwentuhan dahil ang present boyfriend ni Maica ay nasa studio rin pala. It's giving love triangle! Pero masaya na si Maica sa piling ni AJ at nirerespeto 'yon ni Jeff, na ang nasabi na lang ay, "'Di naman masakit."

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, kinilala ang mga lalaking gustong PUMORMA kay Jackie | It’s Showtime | Cheezmis