MAKATI-tiklop kayo sa katatawa kasama ang 'Makatizens' na sumalang sa 'Laro Laro Pick' game arena, sa January 10 episode ng "It's Showtime." Naki-join din sa laro sina 'Showtime' hosts Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, MC, at Cianne Dominguez.
Kung sa putahe, kumpletos rekados ang FUNanghalian ng Madlang People dahil lahat ng flavors ng comedy ay inihain sa game arena. May rom-com 'ganap' nang si Jackie Gonzaga ay gawing instant 'bride' dahil sa suot na all-white dress. Kung may bride, dapat may groom! Laugh trip ang pagkilatis ni Vice Ganda sa dalawang admirers na pumorma sa alaga niya.
Comedy na may romance-drama naman ang eksena ng ex-lovers na sina Jeff at Maica, na para bang 'deja vu' ito ng 'EXpecially For You.' Mapaglaro talaga ang tadhana, dahil sa dami ng pwedeng mangyari sa mga buhay nila, ang plot twist ni destiny ay 'yung muli silang pagtagpuin sa game arena. Naikuwento ng mag-ex kung kailan sila nagkakilala at naghiwalay. Si Maica ang umayaw, hanggang sa nakilala niya ang bagong nagpatibok ng kanyang puso, si AJ.
Naging mas exciting ang kuwentuhan dahil ang present boyfriend ni Maica ay nasa studio rin pala. It's giving love triangle! Pero masaya na si Maica sa piling ni AJ at nirerespeto 'yon ni Jeff, na ang nasabi na lang ay, "'Di naman masakit."
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
