All for good vibes ang mga kalokohan kasama ang madlang players from Caloocan sa January 9 episode ng 'Laro Laro Pick' sa "It's Showtime."
'Naloka' si Vice Ganda sa pakikipag-usap kay Baby, ang solo parent na tindera ng hygiene products, dahil para bang nag-struggle sila sa connection. Kaya pabirong nag-react si Vice Ganda tungkol sa comprehension problem ng mga Pinoy.
"'Yung pang-unawa na talaga ang problema sa Pilipinas," sabi ni Vice. "Nasa kinakain din 'yan, vitamins, at saka sa mga pinapanood sa social media." Ginamit na halimbawa ni Vice ang nangyayari sa social media kung saan maraming netizens ang "nag-aaway" sa comment section dahil hindi magkaunawaan. Dagdag ni Vice, minsan kahit gaano kalinaw ang content, may ilang netizens pa rin ang hirap makaunawa, "Halimbawa, ‘Vice Ganda, uminom ng kape.’ [Tapos may magko-comment], ‘Grabe naman si Vice Ganda uminom ng gatas.’ Huh? Binasa mo ba?"
Balik kay Baby, pagkatapos ng tatlong beses nang pagpapaliwanag ay tila hindi pa rin niya naunawaan ang ipinupunto ni Vice Ganda na huwag maliitin ni Baby ang trabaho niya bilang tindera. Sa sobrang 'pagkaloka' ay pabirong hinimatay si Meme sa game arena.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
