Pabirong inilabas ni Vice Ganda ang pagka-imbestigador niya sa December 15 episode ng “It’s Showtime.” Sa “Laro Laro Pick” segment, hindi nagtagumpay ang players na itago ang totoong kuwento kung bakit sila naging members ng tinatawag na SMP o Samahan ng Malalamig ang Pasko. Huwag loloko-loko, dahil kabisado ni Meme ang profile ng players kaya no-no sa mga liars.
"Naloka' pero naaliw si Vice sa magulong kuwento ni player Jo. Kung NGSB nga ba siya o hindi, huwag na lang isipin. Basta ang sigurado, single siya sa Paskong darating.
Isa rin si Rosanna sa mga nakausap ni Meme. Pangalan at ganda niya'y kahila-halina, pero si Rosanna, magpapasko nang mag-isa. Kahihiwalay lang nila ng lalaking minahal nang halos siyam na taon. Ninth anniversary dapat nila kahapon.
Pero ano bang kwento? Si Meme, may ibinuko! Here's the tea, hiniwalayan si 'teh' matapos mahuli na may ka-chat na ibang lalaki. Depensa ni Rosanna, bilang babae, gusto niya 'yung lalaking may provider mindset. Pero paano raw ito magkakatotoo kung hindi niya makitaan ng "growth" si ex. Dahil daw alam niyang hindi siya kayang iwan ng kasintahan, siya na ang gumawa ng dahilan para mauwi ang relasyon sa hiwalayan, at 'yun nga ay mag-entertain ng ibang lalaki na minsan na niyang nagustuhan.
More good vibes ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
