← Back to Home
'It’s Showtime': Vice Ganda, tutuparin ang dream Noche Buena ng isang parol vendor

'It’s Showtime': Vice Ganda, tutuparin ang dream Noche Buena ng isang parol vendor

Kumutitap ang pag-asa sa "It's Showtime," thanks to Vice Ganda, na handang tuparin ang pangarap ng isang "Laro Laro Pick" player.

🕒 12/13/2025, 7:12:44 AM518 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#It's Showtime December 13#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Parol Vendors#Vice Ganda#Ryan Bang#TNT Duets 2

The irony of life–'yan ang naisip ni Vice Ganda habang kinakausap ang mga parol vendors na naimbitahan sa "Laro Laro Pick," sa December 13 episode ng "It's Showtime." 

Nakipagkuwentuhan si Vice at iba pang hosts kay Jona, na minana pa mula sa ina ang paggawa at pagtitinda ng parol mula sa recycled materials. Parol ang kanyang hanapbuhay pero hindi niya magawang lagyan ng parol ang sariling tahanan dahil kapos sa pera. 

Sa darating nga na Pasko, aasa lang sila sa kaunting ayuda ng barangay. Sapat na raw kahit 'spaghetti' lang ang pagsasaluhan ng kanilang pamilya. Pero ang totoo, at kung may pagkakataon, pangarap ni Jona na makapaghanda ng 'litsong baboy' para sa Noche Buena. 

Wish granted agad dahil si Vice Ganda mismo ang nangako na ibibigay niya sa pamilya ni Jona ang pangarap na salu-salo sa darating na Pasko. May bonus pa na pocket money para makapanood sila ng "Call Me Mother," ang pelikula nina Vice at Nadine Lustre na entry sa Metro Manila Film Festival 2025. At higit sa lahat, bibigyan niya ng pambili ng sariling parol si Jona. 

Gusto ni Vice Ganda na magliwanag ang tahanan nina Jona sa Pasko. At hiling niya na matuto ang mga Pilipino na mag-set ng standard. "Masyado tayong sinanay na wala tayong standard, na, 'Okay na 'yang P500 sa Noche Buena, huwag ka nang maghangad.' Pero kung mataas ang standard mo, you will keep working hard."

 "Let's keep a standard, mga Pilipino. Hindi tayo laging nasa baba, aangat tayo kasi gusto natin. 'Pag naranasan natin, hindi tayo papayag. Kapag nakaranas ka ng poging boyfriend, hindi ka na papayag na lolokohin ka ng pangit... 'Pag nakaranas ka ng masarap na buhay, hindi ka na papayag na bumalik pa sa hindi masarap. 'Pag nakaranas tayo ng magandang gobyerno, hindi tayo papayag na pagnakawan pa tayo," panghihikayat ni Vice.

 

 

Samantala, si Ryan Bang ang naglaro sa jackpot round. Ang paglalaro niya ay para sa isang lucky parol vendor na nabunot, si Ton, mula sa Bicol at nagpapaaral ng kapatid. Hindi na sinugalan pa ni Ryan ang P150,000 Pot question, at tinanggap ang P35,000 Li-Pot offer para sa madlang player. 

 

 

Kumutitap naman ang "TNT Duets 2" entablado sa pagtatanghal ng weekly finalists. Unang sumalang sa laban ang pares nina Dylan Genicera at Aera Castro na nagpakitang-gilas sa kanilang "Royals" performance. 

Power vocals ang ibinida nina Angelica Magno at Almaerra Recentes sa kanilang duet version ng "Chain of Fools." Kilig naman ang hatid nina Francis Indonio at Lovern Apa na binigyang-kulay ang love song na "'Til They Take My Heart Away."

Fresh from their "Oksihina" win kahapon, balik-tanghalan sina John Ramirez at Shaina Mae Allaga, this time, singing "I Miss You Like Crazy." December Avenue's "Huling Sandali" naman ang panlaban ng duo nina Arvery Lagoring at Christian Tibayan. 

Pagkatapos ng mahaba-habang diskusyon nina hurado Jonthan Manalo, Kyla, at JM Yosures, itinanghal na Top 2 ang Dylan-Aera at Arvery-Christian tandema, na parehong aabante sa next round ng kompetisyon. 

More good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
'It’s Showtime': Vice Ganda, tutuparin ang dream Noche Buena ng isang parol vendor | Cheezmis