Welcome sa SMP club o Samahan ng mga Malulungkot ang Pasko. Huwag mag-aalala, dahil dito sa "It's Showtime," gagawin nating SMPP 'yan, o Samahan ng May Pinakamasayang Pasko.
Lonely man ang mga puso, todo-smile pa rin papasok ng "Laro Laro Pick" game arena ang mga players na Team Single ngayong December. Pangalan at ganda niya'y kahila-halina, pero si Rosanna, magpapasko nang mag-isa. Kahihiwalay lang nila ng lalaking minahal nang halos siyam na taon. Ninth anniversary dapat nila kahapon.
Pero ano bang kwento? Si Vice Ganda, may ibinuko! Here's the tea, hiniwalayan si 'teh' matapos mahuli na may ka-chat na ibang lalaki. Depensa ni Rosanna, bilang babae, gusto niya 'yung lalaking may provider mindset. Pero paano raw ito magkakatotoo kung hindi niya makitaan ng "growth" si ex. Dahil daw alam niyang hindi siya kayang iwan ng kasintahan, siya na ang gumawa ng dahilan para mauwi ang relasyon sa hiwalayan, at 'yun nga ay mag-entertain ng ibang lalaki na minsan na niyang nagustuhan.
At dahil Pasko na, kumukutikutitap na ang buong paligid. Kung ganitong Pasko, paano kayo nakakatipid? Si Meme, 'nanggigil' sa pailaw ng lights man ng "It's Showtime." At ang puksaan, nauwi pa nga sa habulan!
More good vibes ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
