← Back to Home
Anne, tumulo ang luha sa kwento ni solid Showtimer Shine | It’s Showtime

Anne, tumulo ang luha sa kwento ni solid Showtimer Shine | It’s Showtime

Anne, NAPAGALITAN ni Solid Showtimer na si nanay Cecil! | It’s Showtime

🕒 12/15/2025, 2:10:07 PM167 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#It's Showtime 16th Anniversary#Laro Laro Pick#Anne Curtis#Solid Showtimers#Shine#Vhong Navarro

Bago sumapit ang Pasko, isang solid Showtimer ang nagkaroon ng pag-asang maging milyonaryo. Bilang bahagi ng “It’s Showtime” 16th anniversary celebration, ang Laro Laro Pick, may special edition. At ang naglaro noong Lunes, December 1, mga solid Showtimers! 

High school pa lang ay Solid Showtimer na si Shine. Hanggang sa siya'y nag-asawa at naging mommy, It's Showtime pa rin ang kanyang family. Ebidensya ba kamo? Ipinangalan lang naman niya kina Ion at Hashtag Kid Yambao ang kabal niyang anak.  

Pero malungkot ang kwento ni Shine dahil maagang pumanaw ang anak na si Ion samantalang nag-agaw-buhay naman si Kid noong pandemic. At sa mga panahong 'yun, It's Showtime ang pinaghugutan niya ng good vibes at pag-asa. Bilang isa na ring mommy, natural kay Anne Curtis ang makaramdam ng lungkot sa kuwento ni Shine. Habang naluluha ay pinalakas niya ang loob nito. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.