Solid Showtimer ang muling bumida sa "Laro Laro Pick" game arena, December 1, bilang bahagi ng 16th anniversary celebration ng “It’s Showtime.” Isa sa kanila si Cecil, na "TNT" Season 1 pa lang ay tutok na sa show nang suportahan niya ang kababayang si Noven Belleza. At simula no'n ay never na siyang bumitaw pa! Sa oras ng lungkot at problema, "It's Showtime" ang takbuhan niya.
At bilang reward for her loyalty, ang kanyang wish, tinupad na ni Anne Curtis, kahit medyo nabigla ang Dyosa sa taas ng boses ni nanay! Si Anne pa ba? Sanay na ‘yan sa puksaan, ‘di ba, Miss Anne?
Samantala, high school pa lang ay Solid Showtimer na si Shine. Hanggang sa siya'y nag-asawa at naging mommy, It's Showtime pa rin ang kanyang family. Ebidensya ba kamo? Ipinangalan lang naman niya kina Ion at Hashtag Kid Yambao ang kabal niyang anak.
Pero malungkot ang kwento ni Shine dahil maagang pumanaw ang anak na si Ion samantalang nag-agaw-buhay naman si Kid noong pandemic. At sa mga panahong 'yun, It's Showtime ang pinaghugutan niya ng good vibes at pag-asa. Bilang isa na ring mommy, natural kay Anne ang makaramdam ng lungkot sa kuwento ni Shine. Habang naluluha ay pinalakas niya ang loob nito.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
