← Back to Home
Senior citizen inanod sa spillway sa Rodriguez, Rizal

Senior citizen inanod sa spillway sa Rodriguez, Rizal

Isang senior citizen ang tinangay ng malakas na agos ng tubig habang tumatawid sa isang spillway sa Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal nitong Huwebes.

🕒 8/6/2026, 9:24:21 AM361 wordsEN
Lyza Aquino

Lyza Aquino

Lyza Aquino, a multiplatform reporter for ABS-CBN News, covers Metro and crime stories. A Holy Angel University alumna, she anchors DZMM’s Hello Attorney and hosts ABS-CBN’s Philippines’ Most Shocking Stories.

#spillway#Montalban#Rizal#inanod

RIZAL — Isang senior citizen ang tinangay ng malakas na agos ng tubig habang tumatawid sa isang spillway sa Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal nitong Huwebes.

Sa kuha ng CCTV, makikitang may nakalagay nang harang sa spillway dahil sa masamang panahon, pero may ilan pa ring nagtangkang tumawid. Habang nakatawid ang isa, ilang sandali pa, ay makikitang inanod na ang isang lalaki bago tuluyang mahulog sa ilog.

Ayon kay Barangay Chairman Judith Cruz ng Barangay San Rafael, may harang silang nilagay sa entrada ng spillway at may mga signage at tao rin silang nakabantay doon para pagbawalan ang mga residente na tumawid, lalo na ngayong may sama ng panahon.

Gayunpaman, nakatawid pa rin ang senior citizen at isa pang indibidwal, na galing sa kabilang side ng spillway sa Barangay San Isidro.

"So ang nangyari, tumawid sila dalawa po sila. Yung nauuna, nakatawid, tapos yung isa po na senior, 64 years old, hindi ko alam kung nadulas ba siya or dahil nga po malakas ang current ng tubig eh hindi niya kinaya," sabi ni Cruz.

"So inanod po siya pababa, so yung kapitbahay namin na mamamayan na ka-barangay namin dito, siya yung unang nakakita. Katuwang namin siya sa pagrescue sa mga inaanod dyan. Nakita ng mga tao namin, tawag po agad doon, baba po agad ung mga kawani, yung dalawang BDRRMO ko po na taga sisid namin pumunta kaagad," dagdag niya.

Humingi na rin ng tulong sina Cruz sa mga taga-MDRRMO ng Rizal para mapabilis ang rescue operation.

Makalipas ang ilang minuto ay nasagip din ang senior citizen pero nung una ay nawalan siya ng malay at agad nilapatan ng paunang lunas.

"Yung isa, unang sumagip, marunong mag-CPR, kasi wala nang malay eh, dahil na CPR niya nagkamalay.
.. Nung naiakyat namin yung inanod, may diwa siya. Normal siya, so pinadala na kaagad namin sa ospital, nagpadala ako agad ng damit at pagkain," sabi ni Cruz.

Sa ngayon ay stable na aniya ang kondisyon ng lalaki.

Muling nagpaalala ang barangay sa publiko na huwag nang dumaan sa naturang spillway, at dumaan sa ibang mas ligtas na kalsada lalo na't inaasahan pa ang patuloy na malalakas na ulan at hangin sa mga susunod na araw.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.