← Back to Home
Miss Q&A candidates, kanya-kanyang hula sa ‘Tumpak Ganern’ | It’s Showtime

Miss Q&A candidates, kanya-kanyang hula sa ‘Tumpak Ganern’ | It’s Showtime

Pagdating sa Tumpak Ganern round, may comedy moment na parang wala sa hulog ang kanilang mga hula, katulad nang tanungin kung sinong sikat na fictional character ang may code name na 007. Nadamay pa pati si Son Goku!

🕒 8/3/2026, 6:08:21 AM282 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Miss Q&A#Miss Q&A Showtime#It's Showtime#Tumpak Ganern#Showtime#Jhong Hilario#Vice Ganda#MC#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Lassy#Showtime August 3 2026#Miss Q&A August 3 2026#

Hindi suspended ang good vibes dito sa "It's Showtime" dahil tuloy-tuloy lang ang buhos ng tawanan at happiness. Sa "Miss Q and A," kapag hindi alam ang sagot, you've got to shoot your shot, bes! Sabay ngiti at sabi ng, "And, I thank you!" 

Malakas ang arrive nina candidates JV Zeped, Audrey Zunega, at Carla Shuvee Medalla, na sa bawat hampas ng balakang sa pagrampa, ika'y mapapa-ohhh lala. Pagdating sa Tumpak Ganern round, may comedy moment na parang wala sa hulog ang kanilang mga hula, katulad nang tanungin kung sinong sikat na fictional character ang may code name na 007. Nadamay pa pati si Son Goku! 

Pero agad naman silang bumawi sa sumunod na tanong, at sa second round, "Wit Lang," kung saan sina Carla at Audrey ang nagharapan. 

Nabunot ni Carla ang tanong na, "Payag ka kung passenger princess ka pero nakasabit ka?" Talak niya, oks lang naman, walang problema. Aarte ka pa ba lalo na kung nagmamadali na? Nagustuhan ng mga hurado ang pagiging straightforward ng opinyon ni Carla.  

Ang tanong naman kay Audrey, "Payag ka masarap ka magmahal pero wala kang panlasa?" Tumagos din kina hurado Nicole Cordoves, Ralph de Leon, at Max Collins ang 'chukchak' ni Audrey tungkol sa pagmamahal at kakulangan. Komento ni hurado Nicole, "May kirot sa puso ko." Pero, dagdag ni Nicole, may 'bitin' factor ang sagot na kaya namang hilutin ng praktis.  

Sa dulo, si Carla ang kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day at babalik siya sa Sabado para sa Weekly Finals. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.