← Back to Home
Miss Q&A Arah David, muling nakita ang ULTIMATE CRUSH niya na si Jhong | It’s Showtime

Miss Q&A Arah David, muling nakita ang ULTIMATE CRUSH niya na si Jhong | It’s Showtime

Miss Q&A Arah David, muling nakita ang ULTIMATE CRUSH niya na si Jhong | It’s Showtime

🕒 7/31/2026, 6:49:17 AM327 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtmeAyunLaruuu#Miss Q and A#Jhong Hilario#Vhong Navarro#MC#Lassy

Naghe-"hello" na ang weekend, kaya ang good vibes, please send. I-log out na muna ang problema because after this day deserve mo ang pahinga. Makitawa na rin kasama ang "It's Showtime" family at mga bisitang iba't ibang feels ang dala.  

Para bang inatake ng mga langgam ang buong studio dahil sa sweetness nina Bianca De Vera at Dustin Yu, na sa tinginan pa lang ay walang sinabi ang tikoy sa sobrang lagkit.  

Nag-hello rin ang mga reyna na ready to claim the korona sa Miss Q and A. Meet Anora Laforteza ng Pampanga, Ian Torres ng Manila, at Arah David ng Taguig. Baon nila ay wit na super big at personality na kaibig-ibig.  

Pati si Jhong Hilario ay hindi nakaiwas sa charisma ng fangirl na si Arah. From Jhong's early days in showbiz kaasama ang Streetboys, magpahanggang ngayon, she's always been one of his biggest supporters. Isang "I love you" ang sukli ni Jhong as an appreciation sa pagmamahal ni Arah bilang fan. 

Lotlot man siya sa kompetisyon, feeling winner pa rin si Arah dahil sa moments nila ni Kuys Jhong. Samantala, 'may bitaw' ang talak nina Ian at Anora as they faced their respective questions sa Wit Lang round.  

Nabunot ni Ian ang tanong na, "Sino ang mas badtrip kainuman, 'yung tumatakas o 'yung natutulog?" Mas nakakainis daw 'yung natutulog dahil hindi naman sleepover ang ganap, kundi inuman ngani. 

 As a kanin lover, napangiti si Anora sa nabunot niyang tanong, "Ano ang mas bad trip? Walang ulam o walang sinaing?" Sagot niya, mas okay na ang walang ulam dahil magagawan naman ng paraan pero ang kanin ay hindi pwedeng mawala dahil bahagi na ito ng Pinoy food culture. 

Dahil sa malinamnam at nakabubusog niyang talak, si Anora ang kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.