← Back to Home
Miss Q&A Dha-Dha, SUPER PROUD sa girlfriend niya | It’s Showtime

Miss Q&A Dha-Dha, SUPER PROUD sa girlfriend niya | It’s Showtime

Miss Q&A Dha-Dha, SUPER PROUD sa girlfriend niya | It’s Showtime

🕒 7/30/2026, 6:44:24 AM352 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#GowtchShowtime#Miss Q and A#Dha-Dha#girlfriend#Vhong Navarro#Jhong Hilario#MC#Lassy

Ang pag-ibig, wala 'yan sa edad o kasarian. Kapag tumibok ang puso, huwag nang itago. Ipagsigawan ang damdamin! Ang feelings, aminin! Parang mga Miss Q and A candidates na hindi nagpapigil sa self-expression at pagtalak para marinig ng buong nation.  

 Sa "It's Showtime" July 30 episode, mega slay sa pagrampa at talakan na havey ang queens na sina Francyne Astronomia, Kiana Ortega, at Dha-Dha Aringo.  

 Si Francyne na softie girlie, idol si Overtime Diva, Miss Trina. As a student, hate na hate niya 'yung mga kagrupo na palaging late. Speaking of late, huli na ba para ma-'reset' sina MC at Lassy, maging barako at magka-girlfriend? Kung sila man daw ay may liligawan, pwedeng sina Cianne Dominguez at Jackie Gonzaga ang pusuan.  

 Hango 'yan sa kuwento ni candidate 3, Dha-Dha, na ipinakilala ang kanyang girlfriend for 9 years na si RR. Nagsimula ang love story sa opisina nang mapansin ni RR ang kaguwapuhan ni Dha-Dha. Hindi natuwa si Dha-Dha sa sinabi ni RR lalo pa't, biro niya, ang mga katulad niyang beki ay madalas naiirita sa magaganda. Pero nang maging close sila, unti-unting lumambot ang pusong lalaki ni Dha-Dha at nauwi sa promise of forever ang kanilang bitter first encounter.  

 Samantala, hindi bitter si Francyne kahit siya ang umuwing 'lotlot' sa pabilisan sa pagpindot at pagsagot. Kaya naman sina Dha-Dha at Kiana ang umabante sa Wit Lang kung saan nasubok ang kanilang talino at creativity sa mga tanong na mapaglaro't nakakalito.  

 Bahagya mang nalito si Dha-Dha sa nabunot na tanong na kung papayag siyang magkaroon ng malinaw na vision pero malabong magkatotoo ang pangarap na relasyon, she finished her answer on a strong note. Para naman kay Kiana, mas uunahin niya ang maging pag-asa ng bayan kahit kapalit man nito'y wala siyang pag-asa sa taong gusto niya.  

 Mas nagustuhan nina hurados Max Collins, Michael Sager, at Nicole Cordoves ang talak ni Kiana, kaya siya ang kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day. 

 Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.