← Back to Home
TUMATAPANG! Ryan, may nakabibiglang tanong kay Max Collins | It’s Showtime

TUMATAPANG! Ryan, may nakabibiglang tanong kay Max Collins | It’s Showtime

TUMATAPANG! Ryan, may nakabibiglang tanong kay Max Collins | It’s Showtime

🕒 7/29/2026, 5:49:28 AM324 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeActLangToh#Ryan Bang#Max Collins#Vhong Navarro#Karylle#Jackie Gonzaga

Pumasok sa "It's Showtime" area of responsibility and Signal No. 3 na good vibes at tawanan. Sa Miss Q and A, kakaibang comedy collab ang hatid nina Vhong Navarro, MC at Lassy, at Brent Manalo, na sanib-pwersa sa pakikipagkulitan sa tatlong kandidata.

Say hello and mabuhay sa pagdating nina Queen Natnat, MJ Perfecto, at Wri Wri Laurora, na sa talakan ay bigay na bigay. Forda kuwento si Queen tungkol sa history ng kanyang name. Heto ang chika, siya ang queen ng tatay niya, at dahil sa solid na suporta ng mga magulang, akala niya tunay siyang babae noong siya'y bata pa lamang.

Feeling reyna rin si Wri Wri, na nangatog sa kilig nang mahawakan ang crush niyang si Vhong Navarro. Hindi naman nagpatalo si Lassy, na feeling leading lady ni Brenty. Pero hindi makakapayag si MC na hindi basagin ang fantasy ni Lassy, kaya ang kuwentuhan ay nauwi sa puksaan.

Puksaan malala ang ladies na nagpaunahan sa pagpindot at pagsagot sa Tumpak Ganern round, hanggang tuluyang naligwak si Queen Natnat. Nagtuloy-tuloy ang chukchakan sa Wit Lang, kung saan nabunot ni Wri Wri ang tanong na, "Payag ka yayayain ka ng crush mo ng night ride pero ikaw ang taga-hablot ng bag?"

Samantala, "Payag ka kung yayain ka ng crush mo na mag-coffee date pero sa lamayan?" naman ang tanong na hinarap ni MJ. Para sa mga hurado, 'perfecto' ang kanyang answer. Kaya naman sa araw na 'to, siya ang kinoronahang winner.

Panalo ang matapang tumalak. Parang si Ryan Bang na tumatapang sa harap ni Max Collins! Banat ni Max, parang keyboard si Ryan dahil he's her type. Balik hirit naman ng oppa, parang nilalamok si Max at kailangan ng katol, as in 'katolad' niya. Dahil sa tanong at pick-up line ni Ryan, si Max ay napahiyaw. Aww!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.