← Back to Home
Vice Ganda, KABADO MALALA sa sagot ni Misis Jawo sa Resbakulawan | It’s Showtime

Vice Ganda, KABADO MALALA sa sagot ni Misis Jawo sa Resbakulawan | It’s Showtime

Vice Ganda, KABADO MALALA sa sagot ni Misis Jawo sa Resbakulawan | It’s Showtime

🕒 7/25/2026, 5:44:39 AM345 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeGilingQandA#Miss Q and A#Resbakulawan#Vice Ganda#Lassy#MC#Misis Jawo

Kung may sariling opinyon, 'yan ay karapatan! Basta't may respeto pa rin, huwag matatakot ipahayag ang paninindigan. Nagbabalik ang limang Miss Q and A 'ResBAKS' na sa talakan ay walang inuurungan, sa weekly finals ng Resbakulawan round.

Pare-parehong 'nalotlot' sa unang sabak sa pagtalak, but now they're back stronger and fiercer, still with a dash of laughter. From the daily Resbakulawan, oras na para sa final face-off nina Barbie Bratz Ayuda, Andrea Jane Peralta, Misis Jawo, Miss Mia, at Carla Flores Argonza sa “It’s Showtime” July 25 episode.

Hindi maiwasan ang lutang moments sa unang round. May nabibingi sa tanong, at merong hula-hula lang ang sagot. Si Andrea ang unang naligwak sa laban. Pero bumawi ang candidates sa Wit Lang round.

Si Carla, relaxed at confident lang awra as she took on the question, "Kung ikaw si Winnie The Pooh, anong gagawin kapag sinabi ng nanay mo na mag-tuck in ka?"

Kabado bente naman si Meme sa nabunot na tanong ni Misis Jawo, "Kung ikaw si Batman, kakampihan mo ba si Robin kapag nag-away sila ni Darna?" Pero mas kinabahan si Vice Ganda sa naging takbo ng sagot ng kandidata. Naitawid naman ni Misis Jawo ang sagot niya, at sinabing kakampihan niya si Darna, na isang icon para sa mga LGBT members.

Para naman kay Barbie Bratz, kung sakaling siya si Little Memaid, papayag pa rin siyang magka-paa kahit pa paa ni King Kong ang ibibigay sa kanya. Ang tanong naman na nabunot ni Miss Mia ay kung papayag siyang maging si Spiderman pero miswa ang sapot niya.

Pagkatapos ng Wit Lang, sina Barbie Bratz at Carla ang umangat at nagharap sa Beklamation, kung saan pareho silang palaban sa katanungan na, "Ano ang mas gusto mo, maging pride o joy ka ng magulang mo?"

Naghatid nga ng pride at joy sa kanyang mga magulang si Carla dahil siya ang kinoronahan bilang Miss Q and A Resbakulawan weekly winner.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.