Pumapatak na ang ulan, kaya naman ang hangin at lamig ay may hatid na kilig. Para bang mga mata ni crush na pinakakabog ang 'yong dibdib. Umulan nga ng 'feels' sa June 4 episode ng "It's Showtime" kung saan isang lucky 'Laro Laro Pick' player ang 'sumakses' sa kanyang celebrity crush.
Bumuhos ang good vibes at high energy sa pag-ariba ng Madlang Players from Olympia, Makati. Shy type man kung titingnan, pero game sa bardagulan si player Faith, na para bang 'tinarayan' si Jackie Gonzaga. Heto na nga ang tea, mga bhie! Crush pala ni Faith si Darren Espanto, kaya nagkaroon ng slight tension sa entablado.
Pero, 'eme' lang ang tarayan, dahil gets naman ni Jackie kung bakit namimilipit sa kilig si Faith. Bukod kasi sa gwapo, maraming hidden talent si Mr. Espanto. Alam n'yo ba, kaya niyang gumamot ng hilo at kalasingan? Ay, oo, si Jackie ang magpapatotoo!
Ang DaCkie moments sa 'You Gotta Lyric' round, parang teleseryeng inaabangan. Ang eksena nila for today's video, umasa na naman ang isa, at kahit walang proposal ay napa-'I do.' Ay, delulu!
Hindi naman masamang maging 'delulu' kapag pangarap at success ang ipinaglalaban. Maniwala ka lang na ang swerte ay sa'yo talaga nakalaan, katulad ni player Isay, na nagdalawang-isip no'ng una sa jackpot round, pero piniling magtiwala sa sarili. Sinugalan ni Isay ang P200,000 POT question, at napatunayan na "kung para sa'yo, para sa'yo" dahil umuwi siyang panalo!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
