← Back to Home
Nanay Baby, ibinenta noon ang anak sa halagang PISO? | It’s Showtime

Nanay Baby, ibinenta noon ang anak sa halagang PISO? | It’s Showtime

“Laro Laro Pick” contestant Nanay Baby, ibinahagi kung ano ang ginawa niya para gumaling ang maysakit na anak.

🕒 6/2/2026, 5:32:37 AM252 wordsEN

Mary Ann Bardinas

#Nanay Baby#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Jhong Hilario#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime June 2 2026#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick June 2 2026

Labindalawang groovy at energetic senior citizens mula Navotas City ang naglaro sa “Laro Laro Pick” segment ng “It’s Showtime.” 

Isa sa mga nakausap ng hosts na sina Jhong Hilario at Vhong Navarro ay si Nanay Baby, na very happy at very proud sa apo niyang si Chuchay na ga-graduate na sa kursong Criminology ngayong June 30. Sa gitna ng kanilang masayang kuwentuhan, naging emosyonal si Nanay Baby nang mapunta ang usapan sa kanyang mga anak, lalo na sa kanyang bunsong anak na pumanaw na. 

Ayon sa kanya, bata pa lamang ang kanyang anak ay may sakit na sa puso, kaya naman ginawa niya at ng asawa niya ang lahat ng kanilang makakaya upang mapabuti ang kalagayan nito. Bukod sa pagpapagamot, sinubukan din nila ang ilang tradisyunal na paniniwala, kabilang ang pagbebenta umano sa bata sa isang kakilala sa halagang piso—na labis na ikinagulat nina Vhong at Jhong dahil first time lamang nila ito narinig. 

Pero ang pinaka nagpagaling umano sa anak niya ay ang pagdala nila kanya sa dagat upang paliguan. Sa paglipas ng panahon, naging maayos ang kondisyon ng kanyang anak, nakapagtapos ng pag-aaral, at nakapag-asawa rin.  

Gayunpaman, nang masuri ng doktor ang kanyang anak habang ito ay nagbubuntis, natuklasan nilang lumaki na pala ang puso nito. Nagdulot ito ng iba't ibang komplikasyon sa kalusugan na kalaunan ay humantong sa kanyang hindi inaasahang pagpanaw. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Nanay Baby, ibinenta noon ang anak sa halagang PISO? | It’s Showtime | Cheezmis