← Back to Home
FOR DELIVERY?! Ogie, isinakay sa van matapos IKAHON ni Karylle! | It’s Showtime

FOR DELIVERY?! Ogie, isinakay sa van matapos IKAHON ni Karylle! | It’s Showtime

FOR DELIVERY?! Ogie, isinakay sa van matapos IKAHON ni Karylle! | It’s Showtime

🕒 5/30/2026, 6:03:29 AM305 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeLaroDiBa#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Vhong Navarro#Karylle#Teddy Corpuz

Parang naka-unli cups of coffee ang “It’s Showtime” family today. Todo ang energy at kulit in every way! Parang may audition sa 'Laro Laro Pick' aktingan portion na bagong paborito ng buong nation.

Si Jackie Gonzaga, hindi nakatiis at biglang sinayawan si Darren Eapanto. Teka, may violent reaction si Cianne Dominguez na nauwi sa sabunutan, mga bes!

In another scene, walang arte si Jackie kahit ang mukha ay basa na sa talsik ng laway ni Ryan Bang.

Si Karylle, hindi na makatiis sa 'mister' na si Teddy Corpuz kaya lumayas kasama ang 'anak' na si Ogie Alcasid. Pero ang drama naging comedy nang ilagay ni Karylle si Ogie sa isang malaking kahon at isinakay sa van na para bang ide-deliver sa malayong destinasyon. Ang naiwan na si Teddy, humiga sa semento at nagpabilad sa tirik ng araw. Tanong ni Vice Ganda pagkatapos ng eksena, "Buhay pa ba?"

Sa game arena ay umariba ang mga taga-Nangka, Marikina.

Sa kan'yang charisma, agad nakuha ni Kulot ang atensyon ni Vice Ganda. Nahinto man sa pag-aaral dahil sa problemang pinansyal, 'dehins' niya bet ang maging tambay. Kaya nagsumikap aralin ang craft ng sofa making, na ngayo'y hanapbuhay na niya.

Ganyan ang tatak ng isang Pilipino—anuman ang pagsubok na pinagdadaanan, laban lang!

Pero sabi nga ni Vice Ganda, ang resilience na ipinagmamalaki ng mga Pinoy, minsan nagiging excuse na para pabayaan ang mga mamamayan.

Oo nga't palaban, pero hindi tayo superhero katulad ni Spider-Man. Nalito tuloy si Kim Chiu. Ang superpowers daw ni Spidey ay galing sa kuryente?! Sinong Spider-Man 'yan, 'te? To the rescue naman si Meme sa sinabi ni Kimmy, pero biro niya, ang hirap talaga minsan ipagtanggol ng kaibigang chinita.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
FOR DELIVERY?! Ogie, isinakay sa van matapos IKAHON ni Karylle! | It’s Showtime | Cheezmis