← Back to Home
Jackie, may lambing kay Darren sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Jackie, may lambing kay Darren sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Jackie, may lambing kay Darren sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 5/29/2026, 7:18:18 AM237 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeMayGilingGiling#Laro Laro Pick#Jackie Gonzaga#Darren Espanto#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Bumagyo man o uminit, kumakayod sila sa gitna ng trapik para ang mga pangangailangan natin ay maihatid. Humarurot ang mga delivery riders sa ‘Laro Laro Pick’ game arena. “It’s Showtime” naman ang nag-deliver ng swerte nila.

Kinilala ng hosts si Jaja, ang lady rider na kayang makipagsabayan sa mga kalalakihan. Huwag ‘ismolin’ ang tulad niyang babae, dahil batak si Jaja sa pag-deliver ng malalaking gamit. Mag-angkas ba naman ng washing machine? Ang lupit!

Paalala ni Vice Ganda sa mga bisita, doble ingat po sa kalsada. Gets namin ‘yung survival mode araw-araw dahil hindi naman lahat ay privileged enough para magkaroon ng choices in life, pero sabi nga ni Meme, mahalaga rin ang pahinga. Lesson learned ito kay rider Phing na pinagsabay ang araw at gabi, pero sa sobrang pagod ay minsang naaksidente.

Samantala, hindi ka naman mapapagod kakatawa sa mga nakakaaliw na eksena sa ‘You Gotta Lyric’ round. Si Jackie Gonzaga, para bang pumparaan na naglambing ng hug kay Darren Espanto. Ate Girl, aktingan lang ‘to!

Si MC naman, naitawid pa rin ang eksena kahit naka-ilang takes… dahil hindi kabisado ang linya? At kung minsan, life imitates fiction, ‘ika nga. Dahil ang sumunod na eksena, pamilyar kumbaga. Madlang People ay nag-walk out! Pagkatapos ay sabay-sabay inawit ang “Tatsulok” ni Bamboo.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Jackie, may lambing kay Darren sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis