← Back to Home
PAWIS NA PAWIS?! Vice Ganda, PINAGOD si Ogie sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

PAWIS NA PAWIS?! Vice Ganda, PINAGOD si Ogie sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

PAWIS NA PAWIS?! Vice Ganda, PINAGOD si Ogie sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 6/3/2026, 5:21:09 AM315 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeSharmaine#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Ogie Alcasid#Jackie Gonzaga#Darren Espanto

Kalagitnaan na ng work week. Medyo bumababa na ba ang energy level? Maki-join na sa kulitan sa "It's Showtime" for your much-needed refill.

Biro ni Vice Ganda, malapit nang magkaroon ng twenty-percent discount ang pa-Senior Citizen na si Ogie Alcasid. Pero malayo pa sa retirement ang energy ng Chief of OPM at nakipagsabayan pa sa hatawan with the family's bunso, Darren Espanto. Kahit pinagpawisan nang husto sa mga challenges na ibinigay ni Meme, game pa rin ang 'tito' na tinilian ng Madlang People sa studio.

Saan 'dalahen' ang energy na ganito kataas? Eh, 'di sa 'Laro Laro Pick' game arena kasama ang mga taga-Pulang Lupa Uno, Las Piñas!

Gigil ni Meme Vice ay na-trigger, dahil kay Mutya na malabo ang mga answers. Kinakabahan lang daw si mommy, pero maya-maya naman ay luminaw ang usapan. Kinilala rin ng hosts si Mama Jo, ang makinurista... na manghuhula? Isang tingin lang sa paa ni Jackie Gonzaga, may na-sense na siyang future jowa? At anong kapangyarihan mayroon si Mama Jo, na sa pamamagitan ng hininga ay pinatangkad si Ogie?!

Level up naman ang chemistry sa eksena nina Darren at Jackie. Kung pwede lang 'ipa-notaryo' ang kilig, 'di ba? 'Kota' si Ate Girl sa aktingan portion ng 'Laro Laro Pick' dahil not just once, but twice niyang naka-eksena si Darren. Sa unang eksena, tinotoo ni Darren ang linyang bibigyan ng kiss at hug si Jackie. Asususus! May babaeng maganda na namumula! Hindi pa 'yan ang ending, dahil may sequel ang yakapan sa next round ng acting!

Blockbuster naman ang excitement sa naging laro ng Madlang Players. Para bang may dalang swerte si Meme dahil ang nakakulitan niyang si Mutya, sa jackpot round ay umabante. Nahirapan man sa kan'yang pagpili, si Mutya, umuwing happy.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
PAWIS NA PAWIS?! Vice Ganda, PINAGOD si Ogie sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis