Ramdam na ba ang pagod ng mid-week? Kung pwede lang mag-stay muna sa lugar na tahimik. 'Yung walang deadline na nakaka-panic. Para mawala ang bad vibes at ma-feel ang love, love, love, makisali muna sa reunion ng "PBB Collab” ex-housemates na cast din ng “The Secrets of Hotel 88.”
Nag-check in muna sila sa Laro Laro Pick game arena, sa June 10 episode ng “It’s Showtime.” Game sa fun kulitan at spicy tanungan sina Klarisse de Guzman, Will Ashley, Brent Manalo, Emilio Daez, Ralph de Leon, Bianca De Vera, Kira Balinger, Vince Maristela, Esnyr Ranollo, Dustin Yu, River Joseph, at Mika Salamanca.
Kung si Esnyr ay kinaaliwan sa kanyang ‘jellyfish’ fashion, sina River at Ralph naman ay twinning sa kanilang jackets. Biro ni Vice Ganda, pang-debate club ang awrahan ng dalawa, na swak sa tema ng bago nilang show na “Y Speak.”
Pero ang taga-“Y Speak” na si Ralph, bakit hindi maka-speak nang tanungin kung may “jowa” na? Asus! Walang lusot! Walang maitatago kay Vice Gandwa, dahil na-sight na umano niya ang mga sweet Siargao photos ni Ralph with AZ Martinez. Hindi man makasagot si Ralph nang diretso, happy si Meme dahil may nagpapangiti rito.
Wala namang naghihiwa ng sibuyas, pero bakit naiiyak si River? Tanungin na lang natin si Will, na sinasabing “nagbinata” sa likod ng kurtina sa Bahay Ni Kuya.
Sa “PBB” house rin nabuo ang closeness nina Dustin at Bianca, na laging updated sa ganap ng isa’t isa. Don’t tell a lie, huwag i-deny! Tanong ni Meme, ang DusBi, official na bang mag-bebe?
Parang manika naman ang ganda ni Kira, na mas mas maputi at mas fresh pa sa fresh lumpia! Kahit wala si Josh Ford, ang ex-housemate na itinatambal sa dalaga, may special shout out naman siya from Kira.
Kung ‘Tawag Ng Tanghalan’ ito, at si Klarisse ang hurado, pasado ba sa kaniya ang trending “Sino Nga Ba Siya” ni Mika? Oh no! Si Ate Klang, bakit napabilang?!
Game time na! Sa loob ng bilang na lima, dapat maibigay ang sagot na tama para sa ‘It’s Giving’ round ay makapasa. Minsan hindi talaga perfect, pero okay lang dahil sa bloopers na may patawa effect. ‘C’ as in comedy ang laro ng mga batang “PBB!”
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
