Ngayong season ng balik-eskwela, baon dapat ay sipag at tiyaga. Mag-aral nang mabuti, bawal ang petiks. Always take down notes at makinig kina sir at ma'am. Para maka-high score katulad ni Linda Walker na naka-719 points sa exam.
Highest score rin sa good vibes ang June 9 episode ng "It's Showtime" dahil sa pagbisita ni Linda. Siya ng 'yun! Nasa Pilipinas si Zhang Yingfei, ang Chinese actress na gumanap sa sikat na fictional character mula sa isang micro-drama series, para sa isang fan meet. Noong una’y wala siyang kaalam-alam na sikat siya sa Pilipinas. Pero pagdating sa bansa ay agad niyang naramdaman ang pagiging warm ng mga Pinoy.
Bago ang event, sa "It's Showtime" muna siya bumisita to meet the Madlang People. At hindi na kailangan ng interpreter dahil basic lang kay Kim Chiu ang makipag-usap sa kapwa niya 'chinita' in their language. That is so amazing, Kimmy! Plus 719 points ka din!
Plus points ka naman sa eskwela kapag active sa extra-curricular activities katulad ng sports. Time out muna sila sa pag-spike ng bola inside the court, dahil sa 'Laro Laro Pick' game arena muna nag-face off ang mga UAAP Men's and Women's Volleyball stars!
Pang-MVP ang line-up ng mga players for today! From De La Salle University (DLSU), nandiyan ang Lady Spikers na sina Shane Reterta at Angel Canino, na nagkuwento about dominating the court as the current UAAP Women's Volleyball champion team. Huwag loloko-loko sa dalawang 'to dahil hindi biro ang laks ng kanilang hampas! Si Jhong Hilario, napatanong na lang kay Angel, "May nasampal ka na ba?"
Nakilaro rin sina Vange Alinsug at Myrtle Escanlar ng National University (NU), Cassie Carballo ng University of Santo Tomas (UST), J Lo Delos Santos at Gizelle Tan ng Ateneo de Manila University (AdMU), Alyzza Devosora at Margarett Encarnacion ng Far Eastern University (FEU), Leo Coguimbal at Maruel Tan ng Adamson University, at si Star Magic artist and ex-"PBB Gen 11" housemate Dylan Yturralde na naglalaro para sa University of the East (UE).
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
