← Back to Home
STOP ROMANTICIZING RESILIENCE! Vice Ganda, bumoses sa katatagan ng mga PINOY | It’s Showtime

STOP ROMANTICIZING RESILIENCE! Vice Ganda, bumoses sa katatagan ng mga PINOY | It’s Showtime

STOP ROMANTICIZING RESILIENCE! Vice Ganda, bumoses sa katatagan ng mga PINOY | It’s Showtime

🕒 5/30/2026, 5:44:19 AM335 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeLaroDiBa#Laro Laro Pick#Vice Ganda#resilience#Filipino#Vhong Navarro#Kim Chiu

Hindi porke’t matiisin, okay lang na mahirapan. Teka lang naman sandali, baka sobra na ring nasanay tayong “kaya pa” lagi. 'Yan ang napag-usapan sa May 30 episode ng "It's Showtime."

Sa 'Laro Laro Pick' game arena ay umariba ang mga taga-Nangka, Marikina.

Sa kan'yang charisma, agad nakuha ni Kulot ang atensyon ni Vice Ganda. Nahinto man sa pag-aaral dahil sa problemang pinansyal, 'dehins' niya bet ang maging tambay. Kaya nagsumikap aralin ang craft ng sofa making, na ngayo'y hanapbuhay na niya.

Ganyan ang tatak ng isang Pilipino—anuman ang pagsubok na pinagdadaanan, laban lang!

Pero sabi nga ni Vice Ganda, ang resilience na ipinagmamalaki ng mga Pinoy, minsan nagiging excuse na para pabayaan ang mga mamamayan.

Oo nga't palaban, pero hindi tayo superhero katulad ni Spider-Man. Nalito tuloy si Kim Chiu. Ang superpowers daw ni Spidey ay galing sa kuryente?! Sinong Spider-Man 'yan, 'te? To the rescue naman si Meme sa sinabi ni Kimmy, pero biro niya, ang hirap talaga minsan ipagtanggol ng kaibigang chinita.

Parang naka-unli cups of coffee ang “It’s Showtime” family today. Todo ang energy at kulit in every way! Parang may audition sa aktingan portion na bagong paborito ng buong nation.

Si Jackie Gonzaga, hindi nakatiis at biglang sinayawan si Darren Eapanto. Teka, may violent reaction si Cianne Dominguez na nauwi sa sabunutan, mga bes!

In another scene, walang arte si Jackie kahit ang mukha ay basa na sa talsik ng laway ni Ryan Bang.

Si Karylle, hindi na makatiis sa 'mister' na si Teddy Corpuz kaya lumayas kasama ang 'anak' na si Ogie Alcasid. Pero ang drama naging comedy nang ilagay ni Karylle si Ogie sa isang malaking kahon at isinakay sa van na para bang ide-deliver sa malayong destinasyon. Ang naiwan na si Teddy, humiga sa semento at nagpabilad sa tirik ng araw. Tanong ni Vice Ganda pagkatapos ng eksena, "Buhay pa ba?"

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
STOP ROMANTICIZING RESILIENCE! Vice Ganda, bumoses sa katatagan ng mga PINOY | It’s Showtime | Cheezmis