Nasa kalagitnaan pa lang tayo ng buwan, kaya huwag mawalan ng hope. MAY biyayang naghihintay if you don’t give up.
Hindi lang discounted, kundi libre pa ang good vibes na pa-ayuda ng “It’s Showtime” family. Their hair may be gray, pero bright and happy ang kulay na hatid ng mga beloved lolo’t lola mula Valenzuela.
Na-capture ng mga ningning sa mata ni Nanay Mina ang puso ni Vice Ganda. Mukhang masayahin daw ang ang 62-year-old na bisita. Ibang glow talaga ang hatid ‘pag napunta ka sa tamang tao. Take it from Mina, na feeling sweet sixteen pa rin kahit senior na, dahil sa love of her life.
Alam n’yo ba ang isa pang effective na pampabata? Igalaw ang katawan parang pamela one! Look no further, tingnan n’yo naman si Vhong Navarro, parang young forever. Biro ni Meme, pati cameraman tinamaan sa sexy dance ni Vhongski.
Sa ating pagtanda, mainam ‘yung may plano. Nilapitan din ni Vice si Melda at napatanong sa plano ng mga anak nito. Sa dami nga naman ng nangyayari sa paligid, ang palaging tanong ng madla, “ano na?!”
G as in game na game ang madlang seniors sa mga fun challenges na inihanda ng ‘Laro Laro Pick.’ Sa ‘It’s Giving,’ kung saan letrang ‘G’ ang simula ng mga sagot, aba, naka-perfect!
Lights, camera, act-song! Perfect din na para bang award-winning ang performances ng “It’s Showtime” sa aktingan na may kantahan sa ‘You Gotta Lyric’ round. With special participation ng two of the best actresses of their generation, “Midnight Girls” stars Jodi Sta. Maria at Jane Oineza, rated 5/5 stars ang mga eksena.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
