Kahit puyat kagabi kaka-scroll sa social media feed, bangon agad sa umaga, walang “five minutes pa” na plead. Sa "It's Showtime" may batas, hindi naman bawal lumabas, ang bawal lang dito ay 'yung magpatalo sa bad vibes.
Huwag malungkot kung may kabanatang nagwawakas. Dahil madalas, 'pag may ending, may bagong simula rin na nagbubukas. Sabi ni "Tayo Sa Wakas" star Belle Mariano, na nakisaya sa studio, sometimes endings are beginnings too. You really can tell; napaka-positive ng mindset ni Belle.
At sa wakas natuloy na rin ang pinakahihintay nating moment with Belle! sa kanyang Kembot Challenge, napasayaw tayong lahat as well.
Sa pagpasok naman ni Vice Ganda sa Laro Laro Pick game arena, Madlang People ay namangha, na para bang nakakita ng buhay na manika. Buhay na buhay rin ang bardagulan sa magkakaibigan. Pero talagang dehado 'yung hindi present sa studio dahil siya ang bunot. Tapos hindi na siya makakapalag. Hala! Lagot!
Ganito ang naging biruan sa Tuesday FUNanghalian. Si Anne Curtis, diumano'y umabsent dahil nadapa sa hagdanan? Eme only 'yan ni Meme! Dahil ang nadadapa lang ay 'yung nakikipaghabulan.
Samantla, hindi absent ang swerte para sa mga nagtataglay ng energy na hindi nauubos, katulad ng madlang players na taga-Pateros. Simple at palabiro lang si Mark pero ang responsibilidad bilang ama, sineseryoso niya. Kaya deserve ni Mark, na rumaraket bilang barker, ang mga regalo na magbabangon ng kan'yang dignidad.
Sabi nga ni Vice Ganda, hindi man nila maahon nang buo si Mark, kahit sa maliit na paraan lang ay madadagdagan naman nila ang kan'yang kaligayahan. Sina Vice, Vhong Navarro, Jhong Hilario, nag-ambagan para sa grocery supplies ni Mark, at may bonus pang sapatos mula kay Ion Perez.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
