← Back to Home
Maangas pero MARIA VIRGINIA! Meme Vice, naaliw sa pangalan ni Marie | It’s Showtime

Maangas pero MARIA VIRGINIA! Meme Vice, naaliw sa pangalan ni Marie | It’s Showtime

Araw-gabi, sya ay happy bilang mommy—'yan si Marie! Wala man sa awra, pero kaya niyang panindigan ang pangalan na over sa pagka-girly. 'Yung maangas ka, pero ikaw si Maria Virginia!

🕒 5/11/2026, 6:27:32 AM342 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Maria Virginia Showtime#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Ryan Bang#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime May 11 2026#Laro Laro Pick Showtime#Laro Laro Pick May 11 2026#

Hindi kailangang ‘blue’ ang kulay ng Lunes mo. Pintahan natin 'yan ng mas matingkad na hue. Sa "It's Showtime," Monday is bright like the rainbow dahil extended ang Mother's Day celebration dito.

Mga reyna ng tahanan ang muling kinoronahan sa 'Laro Laro Pick' game arena. Kinilala nina Vice Ganda si Payat, na may pitong anak. Thankful si mommy dahil malulusog ang kan’yang mga anakshies.

Gets ni Rose ang lungkot ng isang mommy na ayaw mawalay sa mga anak. Kaya hangga't maaari, wish niya sana palagi silang magkakasama. Pero nauunawan niya na ang mga anak, sa pagdating ng panahon, ay magkakaroon ng kani-kanilang pamilya. Handa naman ang puso niya sa oras na magkaroon ng sariling pakpak ang mga anak niya. Hahayaan niyang lumipad ang mga supling, dahil sa puso niya, lagi silang magkakapiling.

Joke ang love language ng game masters sa laro. Pero si player Rose, masyado namang seryoso. Serious din 'yung sagot niya na ang gulay sa pinakbet na nagsisimula sa letrang 'o' ay "opo." Hindi ba “ukra,” mima?

Araw-gabi, sya ay happy bilang mommy—'yan si Marie! Wala man sa awra, pero kaya niyang panindigan ang pangalan na over sa pagka-girly. 'Yung maangas ka, pero ikaw si Maria Virginia!

Present din si Tina, isang mananahing mommy. 'Sew' taas ng energy lalo na kapag sumasayaw ng budots, ang paborito niyang pampawala ng stress at pang-level up ng happiness. Sinabayan na ng hosts at Madlang People ang moves ni Tina para hindi ito mahiya at tumodo pa! Sabi nga ni Meme, suportahan natin ang mga mommies sa kung anong magpapasaya sa kanila.

Napasaya ulit ng hosts ang Madlang People sa acting nilang very entertaining. Ang nakaraan sa 'Act-Song,' isang intense sampal ang inabot ni Ryan Bang kay Jackie Gonzaga. And in this episode, si Ryan ulit ang bida. Basang-basa sa ulan ang eksena, pero dapat makatotohanan. Sa ngalan ng Laro Laro Pick, si Ryan, binuhusan ng tubig!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.