← Back to Home
Kim, may ‘malambing’ na mensahe para kay Pau | It’s Showtime

Kim, may ‘malambing’ na mensahe para kay Pau | It’s Showtime

Kim, may ‘malambing’ na mensahe para kay Pau | It’s Showtime

🕒 4/17/2026, 5:24:32 AM258 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeFunSummer#Laro Laro Pick#Kim Chiu#Pau#KimPau#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Teddy Corpuz#Jugs Jugueta#Karylle

Katulad ng mga nauusong 'transitions' sa social media, posible rin ang transitions in real life. Dito sa "It's Showtime," ang paboritong transition ay 'yung from sadness to good vibes.

Feel na feel ang tawanan na may halong kilig sa studio dahil sa pagkikita nina Kim Chiu at 'Pau,’ na agad namang nilapitan at kinumusta ni Kim. That is the sweetest! Aww! Ang mensahe nila sa isa't-isa, mag-ingat at galingan daw palagi.

Sa 'Laro Laro Pick,' kinilala rin ng hosts si Jerrick, ang driver sweet lover, na suma-sideline bilang pares vendor at welder. Diskarte talaga ang labanan ngayon sa buhay! Ang isa pa niyang raket, sumali sa mga 'Miss Gay' pageants sa kanilang baranggay. Katuwaan lang naman daw ang pagsusuot niya ng gown at bikini. Hindi na rin naman masama dahil malaki ang papremyo, at 'forda' good vibes lang.

Makulay ang tahanan nina Jerrick. May tatlo siyang supling. Inampon na rin niya ang boyfriend ng isang anak niya. At kahit ngayon na hiwalay na ang dalawa, nasa poder pa rin niya ang 'ampon.' Kaya from BF-GF, magkapatid na lang ang turingan ng dalawa! Bihira ang ganitong kuwento, pero masaya ang samahan ng 'kakaibang' pamilyang ito.

Samantala, masaya rin si Lassy dahil napangiti niya ang nabunot na partner-player sa jackpot round, si Dennis. Hindi man nasagot ni Lassy ang POT question worth P150,000, ibinigay naman niya kay Dennis ang Li-Pot offer na P25,000.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kim, may ‘malambing’ na mensahe para kay Pau | It’s Showtime | Cheezmis