← Back to Home
WATCH: Paano nga ba ingatan ang puso ng isang tao ayon sa ‘CarTon’ | It’s Showtime

WATCH: Paano nga ba ingatan ang puso ng isang tao ayon sa ‘CarTon’ | It’s Showtime

Madlang People received their first delivery of the day—isang parcel ng CarTon kilig moments. Napangiti ang mga tao sa studio dahil sa matatamis na tinginan nina Carmelle at Anton habang inaawit ang "Please Be Careful With My Heart."

🕒 4/13/2026, 4:55:41 AM202 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Carmelle Collado#CarTon#PBB Carmelle#PBB Anton#PBB Carton#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime April 13 2026#Anton Vinzon

Ngayong mataas ang presyo ng mga bilihin, hindi masamang higpitan muna ang sinturon. Pero dito sa "It's Showtime," hindi namin kayo titipirin sa kilig at good vibes kasama sina ex-"PBB Collab 2.0" housemates Carmelle Collado at Anton Vinzon.

Madlang People received their first delivery of the day—isang parcel ng CarTon kilig moments. Napangiti ang mga tao sa studio dahil sa matatamis na tinginan nina Carmelle at Anton habang inaawit ang "Please Be Careful With My Heart."

Kaya napatanong ang Showtime family kung paano nga ba ingatan ang puso? May sagot sina Carmelle at Anton from the heart. Inimbitahan din nila ang fans na sundan ang mga ganaps nila here and across the globe.

Nakaka-happy rin sa puso ang kulitan ng mga senior citizens mula Pateros na naki-join sa 'Laro Laro Pick.' Ang game arena, bilang naging korte nang imebestigahan nina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Vhong Navarro ang 'agawan' ng pwesto. Habang ang iba nama’y hindi mapakali, para sa ‘chismis, dadayo pa sa katabi. Talagang kahit buhok nila'y mapuputi, hindi mauubos ang kanilang ngiti!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
WATCH: Paano nga ba ingatan ang puso ng isang tao ayon sa ‘CarTon’ | It’s Showtime | Cheezmis