← Back to Home
Erik Santos, aminado na minsan naging 'tanga' sa pag-ibig | It’s Showtime

Erik Santos, aminado na minsan naging 'tanga' sa pag-ibig | It’s Showtime

Erik Santos, aminado na minsan naging 'tanga' sa pag-ibig | It’s Showtime

🕒 4/16/2026, 7:49:05 AM231 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeMySunshine#Erik Santos#pag-ibig#Karylle#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Ryan Bang#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ogie Alcasid#Darren Espanto

Kaunting stretching na lang, weekend na! Kaya huwag na init ulo, palamig ka muna. Grab your favorite summer treat. Sabayan na rin 'yan ng 'hugot' sound trip. Press play, yearning ay ibuhos habang pinakikinggan ang harana ni Erik Santos.

Pwede 'to sa mga naging bulag sa pag-ibig—mukhang aminado d'yan si Erik. Pero sabi nga sa kanta niyang "Love Will Lead You Back," maging hopeful lang dahil saan man dalhin ang puso, babalik at babalik ito sa tunay na itinadhana sa'yo.

Itinadhana naman sa swerte ang mga taga-San Pedro, Laguna sa 'Laro Laro Pick' game arena. Kinilala ng hosts si player Che, na taga-bantay ng CCTV. Si Vhong Navarro, parang may gustong makita sa CCTV camera. Ano nga ba? Hindi naman sa pagiging bitter, pero si Jackie Gonzaga, napa-reminisce sa kape-ling niya, hanggang sa nauwi sa pagalingan ng ‘kape’ jokes ang kuwentuhan. Sino ba ang may pinakamagandang hugot na bebenta sa tawanan?

Si Menard, na expert sa customer service, maging expert din kaya sa jackpot round ng 'Laro Laro Pick'? Malakas kaya ang signal sa tawaran? Muntik pang mauwi sa LQ ang laro, nang si Menard, suwayin ang gusto ni misis. Mas okay na nga naman kasi 'yung sigurado, kaya P35,000 ang maiuuwi niyang papremyo.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.