Walang masasawi sa CarTon shippers dahil matamis na parang sorbetes ang closeness nina Anton Vinzon at Carmelle Collado. Napadaan ang CarTon sa “It’s Showtime” para maghatid ng good news sa fans nila here and abroad. Hello, Philippines! Hello, world! May pa-duet pang regalo ang duo.
Samantala, sawi sa pag-ibig ang mga bisita sa 'Laro Laro Pick' pero hindi hindi sila masasawi sa mga papremyo sa game arena. Kinilala ng hosts si Dambol, isang CKD (Chronic Kidney Disease) patient. Bukod sa sakit dulot ng problema sa kalusugan, iniinda rin niya ang sakit ng damdamin dahil sa 'panloloko' ng ex na isang dekada niyang minahal, bagama't nanantili silang magkaibigan ngayon.
Cheating din ang dahilan ng hiwalayan nina Celle at ng dating kasintahan. Paulit-ulit na panloloko, paulit-ulit rin ang pagpapatawad ni Celle, hanggang sa tuluyan silang nag-break nang mabuntis umano ni ex ang isang officemate.
Payo ni Vice Ganda kay Celle, malaking tulong ang pagmamahal at malasakit ng pamilya sa pagmo-move on. Binalikan ni Meme ang isang malungkot na sitwasyong pinagdaanan niya recently. Pumunta siya bahay ng ina upang ibuhos ang lungkot at luha. "Wala silang ibang siabi. Pinakinggan lang nila ako. Paulit-ulit ko lang sinabi, 'I'm so tired... I'm so tired.' Niyakap lang ako ng mga kapatid ko... Ang sarap palang tumakbo sa pamilya," kuwento ni Vice.
Dagdag niya, "Bigyan din natin sila ng pagkakataon at tiwala na maipakita nila sa atin na pamilya natin sila at mayroon silang pagmamahal na maibibigay sa atin para mabawasan 'yung bigat na nararamdaman natin."
Pagkatapos ng kasawian, may darating na kaligayahan. Basta ang puso'y buksan mo lang!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
