Alive na alive ang good vibes sa "It's Showtime" ngayong unang Biyernes ng buwan. MARSO-fer saya dahil fresh from her vacation in Japan, nagbabalik si Vice Ganda at may pasalubong na isang maletang katatawanan. Kung na-miss n'yo ang 'bardagulan' nina Vice, Jhong Hilario, at Vhong Navarro, heto na't back to their usual asaran ang magkakaibigan.
May baon na kuwento si Meme Vice tungkol kay Punch, ang sikat na baby monkey sa Japan. Biro niya, napa-cute talaga ng bunso ni Kuys Jhong. Haha!
MARSO-fer cute and pretty rin ang mga espesyal na bisita sa 'Laro Laro Pick' game arena. Bigger smiles ang dala nina "PBB Collab 2.0" Big Winners Lella Ford at Caprice Cayetano. Para bang bahaghari ang kulay ng kanilang big feels, with the overwhelming love and support na sumalubong sa kanila sa outside world. The 'Big Night' fever is still hot!
Kaya payo ni Meme sa dalawang Big Winners, i-enjoy ang mga magagandang oportunidad na dumarating at 'dedma' na sa mga negativities. "'Yung mga mabigat sa kalooban, masakit sa puso at isipan, i-try n'yong isantabi 'yun at huwag kayong madi-distract sa ingay at gulo lalo na't mga bata kayo," sabi ni Meme.
Ang special task ng CapLella for today's video ay mag-enjoy sa 'Laro Laro Pick.' Siguradong proud si Kuya dahil give na give ang dalawang housemates niya. Pero hindi tulad ng kapalaran nila sa bahay, maaga silang na-evict sa game arena. Biro pa nga ni Vice, nakakatakot naman i-eliminate si Lella, baka 'upuan' daw siya ni mommy Karla Estrada!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
