← Back to Home
Vice Ganda, naging takbuhan ang pamilya sa gitna ng kalungkutan | It’s Showtime

Vice Ganda, naging takbuhan ang pamilya sa gitna ng kalungkutan | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 3/7/2026, 5:50:23 AM297 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime March 3 2026#

Parang halo-halo na siksik sa ube't leche flan, special ang Sabado na pinagsaluhan ng madlang people at “It's Showtime” family!  

Matamis na parang sorbetes naman ang malalagkit na tinginan at ngitian nina Anton Vinzon at Carmelle Collado. Napadaan ang CarTon duo para maghatid ng good news sa fans sa Pilipinas at buong mundo.  

Samantala, sawi sa pag-ibig ang mga bisita sa 'Laro Laro Pick' pero hindi hindi sila masasawi sa mga papremyo sa game arena. Kinilala ng hosts si Dambol, isang CKD (Chronic Kidney Disease) patient. Bukod sa sakit dulot ng problema sa kalusugan, iniinda rin niya ang sakit ng damdamin dahil sa 'panloloko' ng ex na isang dekada niyang minahal, bagama't nanantili silang magkaibigan ngayon.  

Cheating din ang dahilan ng hiwalayan nina Celle at ng dating kasintahan. Paulit-ulit na panloloko, paulit-ulit rin ang pagpapatawad ni Celle, hanggang sa tuluyan silang nag-break nang mabuntis umano ni ex ang isang officemate.  

Payo ni Vice Ganda kay Celle, malaking tulong ang pagmamahal at malasakit ng pamilya sa pagmo-move on. Binalikan ni Meme ang isang malungkot na sitwasyong pinagdaanan niya recently. Pumunta siya bahay ng ina upang ibuhos ang lungkot at luha. "Wala silang ibang siabi. Pinakinggan lang nila ako. Paulit-ulit ko lang sinabi, 'I'm so tired... I'm so tired.' Niyakap lang ako ng mga kapatid ko... Ang sarap palang tumakbo sa pamilya," kuwento ni Vice.  

Dagdag niya, "Bigyan din natin sila ng pagkakataon at tiwala na maipakita nila sa atin na pamilya natin sila at mayroon silang pagmamahal na maibibigay sa atin para mabawasan 'yung bigat na nararamdaman natin." 

Pagkatapos ng kasawian, may darating na kaligayahan. Basta ang puso'y buksan mo lang!  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.