← Back to Home
Student leader na si Rizza, VOTE WISELY ang sigaw! | It’s Showtime

Student leader na si Rizza, VOTE WISELY ang sigaw! | It’s Showtime

Student leader na si Rizza, VOTE WISELY ang sigaw! | It’s Showtime

🕒 3/20/2026, 4:39:35 AM277 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeMarchQuality#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Divine Tetay#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Ryan Bang#Teddy Corpuz#Jugs Jugueta#Ion Perez#Student leader#Rizza#vote wisely

Kung ang cravings n’yo today ay something sweet and something that will make you happy, sagot na kayo ng "It's Showtime" family. Full serving of good vibes ang inihain ng mga kabataang nasa puso ang pagse-serve sa eskwelahan at komunidad. Sila ang masisipag at maprinsipyong student-leaders na nag-enjoy sa 'Laro Laro Pick' game arena.  

Kinilala ng hosts si Shan, ang president ng Student Government ng kan'yang paraalan. Ang payo niya sa kapwa kabataan, matutong mag-save para sa kinabukasan. Sa mahal nga naman ng bilihin, mahalagang life skill para sa mga tulad niyang mag-aaral ang budgeting. 

Ang sigaw naman ni student-leader Rizza, "Vote wisely!" Para ito sa lahat ng botante, matanda man o bata, lalaki o babae. Dahil pantay-pantay tayo sa iisang boto na pwedeng magdala ng pagbabago. Sabi ni Rizza, kilatisin ang mga kandidato. Ekis sa puro lang porma, dapat 'yung may magandang plataporma! "Hindi po dapat tayo nagbe-base sa popularity. It should be the work because they are the ones serving us," pahayag ni Rizza.   

Samantala, sa jackPOT round, si Juan ang pinaboran ng kapalaran. Sa simula'y gusto niyang ilaban ang Pot question na katumbas ng P400,000. Pero dahil sa payo ng kapatid, mas pinili niya ang P45,000 Li-Pot offer. Sa higpit ng mga gastusin, mas 'okay' na nga 'yung sigurado kaysa ma-zero.   

Napa-“yes” si Juan nang mapatunayan na tama ang kan’yang desisyon. Dahil nang subukan niyang sagutin ang Pot question tungkol sa “world’s happiest country,” mali ang hula niyang “Philippines.” Alam n’yo ba ang tamang sagot, Madlang People?  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Student leader na si Rizza, VOTE WISELY ang sigaw! | It’s Showtime | Cheezmis