← Back to Home
Krystal, Joaquin at Miguel, ibabalik sa Bahay Ni Kuya? | It’s Showtime

Krystal, Joaquin at Miguel, ibabalik sa Bahay Ni Kuya? | It’s Showtime

Back to the outside world na talaga ang "PBB Collab 2.0" Kapamilya Big Placers na sina Krystal, Joaquin at Miguel Vergara at ang first stop nila ay ang "It's Showtime" studio!

🕒 3/2/2026, 4:57:49 AM235 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Krystal Mejes#Joaquin Arce#Miguel Vergara#Krystal Showtime#Joaquin Showtime#Miguel Showtime#PBB Krystal#PBB Joaquin#PBB Miguel#PBB Collab 2.0#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime March 2 2026#

Back to the outside world na talaga ang "PBB Collab 2.0" Kapamilya Big Placers na sina Krystal Mejes (2nd Big Placer), Joaquin Arce (3rd Big Placer) at Miguel Vergara (4th Big Placer).

At ang first stop nila from Bahay Ni Kuya? "It's Showtime" studio! So much love and cheer ang sumalubong sa tatlo, na over the moon pa rin ang feeling matapos ang Big Night nitong Sabado.

Hindi pa rin makapaniwala si Krystal na naging housemate siya ni Kuya. "Hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na galing kami sa loob," sabi ng Wishful Waray ng Samar. Nakakatawa naman ang pahayag ni Joaquin na hindi pa rin nakaka-get over sa Christmas feels. Dahil nga wala silang kalendaryo o orasan sa loob ng bahay, inakala niyang December pa rin. Samantala, si Miguel naman ay nakapag-recharge na at in-enjoy ang first meal niya sa outside world.

Nakakaaliw naman ang reaksyon nina Joaquin, Krystal at Miguel nang marinig ang boses ni 'Kuya.' Natulala pa nga si Krystal sa pagkabigla, pero nagduda, kaya muntik pang bigyan ng special task na bumalik sa Bahay Ni Kuya. Hanggangg sa ma-reveal ang prank! Si Jhong Hilario pala ang naasa likod ng boses.

Naki-join din ang ex-housemates sa fun games sa 'Laro Laro Pick.'

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Krystal, Joaquin at Miguel, ibabalik sa Bahay Ni Kuya? | It’s Showtime | Cheezmis