← Back to Home
Fighting spirit ni Jo, nagbunga ng P250k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Fighting spirit ni Jo, nagbunga ng P250k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Fighting spirit ni Jo, nagbunga ng P250k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 2/27/2026, 6:54:15 AM207 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeGrabeAngSaya#Laro Laro Pick#Jo#Fighting spirit#250k#jackpot round#pot#Kim Chiu#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Jackie Gonzaga

Maliit man pakinggan ang kanilang lugar, pero marami silang maipagmamalaki, kaya malaking swerte rin ang dumapo sa mga taga-Tunasan, Muntinlupa na sumalang sa 'Laro Laro Pick’ game arena, sa February 27 episode ng"It's Showtime."

Close fight ang naging laban ng remaining players sa PILImination. Akala ni Jo ay matatalo na siya dahil mabilis ang oras ng mga naunang tandems. Pero tinulungan siya ng kanyang PILIminator na si Ryan Bang para ma-clutch ang unang puwesto, kaya siya ang umabante sa huling round ng laro kung saan P250,000 ang naghihintay na papremyo.

Sa simula pa lang ay desidido na si Jo na ilaban ang Pot dahil minsan nga lang naman mangyari ang ganitong pagkakataon. Thanks to her fighting spirit, naiuwi niya ang jackPOT prize, sa tanong na, "Ano ang opisyal na tawag sa pinakamaliit na yunit ng pamahalaan sa Pilipinas?" Sa loob ng limang segundo, naisagot ni Jo, "Baranggay."

Feeling super blessed ang single mom, na ang motto in life ay "laban lang." Samantala, balik sa P100,000 ang jackpot money sa 'Laro Laro Pick.' Saan kaya magmumula ang susunod na winner?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.