← Back to Home
Kim Chiu, na-trigger sa pagche-cheat ni Lester | It’s Showtime

Kim Chiu, na-trigger sa pagche-cheat ni Lester | It’s Showtime

Kim Chiu, na-trigger sa pagche-cheat ni Lester | It’s Showtime

🕒 2/27/2026, 5:31:12 AM197 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeGrabeAngSaya#Laro Laro Pick#Kim Chiu#Lester#Vhong Navarro#Jhong Hilario#trigger#cheat

Stop, look and listen sa masayang kuwentuhan sa game arena. Wala talagang forever kung ang isa'y 'cheater.' At sa ganitong usapan, talagang si Kim Chiu ay 'nati-trigger'!

Sa February 27 episode ng 'Laro Laro Pick' sa "It's Showtime" kung saan bumida ang mga taga-Tunasan, Muntinlupa, kinilala ng hosts si Lester, ang rider at sweet lover na hindi maka-move on kay ex-gf.

Nang usisain nina Vhong Navarro, Jhong Hilaro, at Kim Chiu ang dahilan ng breakup, aminado si Lester na siya'y na-caught in the act na may ka-date na ibang babae sa perya.

Hindi napigilan ni Kim na 'talakan' si Lester, "Teka, sandali! Kung meron kang niligawan at pinaghirapan, bakit may kasama kang iba sa perya?!" Dagdag ni Kim, "Niligaw-ligawan n'yo 'yung babae tapos mambabae pa kayo?! Niligaw-ligawan n'yo tapos lolokohin n'yo?! Nanahimik kaming mga babae... tapos 'pag kami eh nahulog sa inyo maghahanap kayo ng iba?!"

Biro lang daw, sabi ni KimMY. Samantala, hoping si Lester na ma-win back pa ang ex-girlfriend. Madlang people, naniniwala ba kayo sa second chance?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kim Chiu, na-trigger sa pagche-cheat ni Lester | It’s Showtime | Cheezmis