← Back to Home
MikBrent, nagbigay ng 50,000 pesos matapos hindi masagot ang Pot question | It’s Showtime

MikBrent, nagbigay ng 50,000 pesos matapos hindi masagot ang Pot question | It’s Showtime

Hindi man nakuha ni Brent ang jackpot money, nagkasundo sila ni Mika na ibibigay kay Raf ang tinanggihan nilang P50,000.

🕒 2/9/2026, 7:25:41 AM306 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Mika Salamanca#Mika Salamanca Showtime#Mika Showtime#PBB Mika#Brent Manalo#Brent Manalo Showtime#Brent Showtime#MikBrent#MikBrent Showtime#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime Feburary 9 2026#

Kumayaw ka sa good vibes at swerte para feeling lucky ang puso mo sa pagsisimula ng panibangong linggo. Kasama ang mga taga-Meycauayan, Bulacan, laughter ang pinagsaluhan ng Madlang People at ng 'It's Showtime' family sa unang lunch break this work week. 

Kung last week ay nag-trend ang face cards nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu at Nadine Lustre, sinubukan nina MC at Lassy na ulitin ang viral picture bilang kahalili nina Anne at adine. Pero hirit ni Meme, masyadong maganda ang litratong 'yon, huwag nang sirain.  

Mula sa asaran tungkol sa suitor ni Lassy hanggang sa puksaan ng OOTD, organic ang laugh trip sa game arena. Join pa sa katuwaan, playing as one, ang ‘PBB Collab’ Big Winner duo, Mika Salamanca at Brent Manalo.  

At para bang nauwi sa 'EXpecially For You' ang eksena, nang magkaharap sina Kim at player Gerald. "Bawal mag-replase," sabi ng Chinita Princess, na kinumusta si Gerald. Maayos naman ang takbo ng usapan. Sabi nga ni Kim, "Hindi naman kami awkward ni Gerald."  

Samantala, intense ang kaba sa jackpot round kung saan ang MikBrent ang umabante. Ang kanilang paglalaro ay para sa eliminated madlang player na nabunot, si Raf, 19-year-old Architecture student.  

Pero dahil isa lang ang pwedeng sumagot, si Brent ang pinili ni Raf. Pagdating naman sa pilian ng papremyo, lakas-loob nilang sinugalan ang P550,000 Pot question kapalit ng P50,000 Li-Pot offer. Malaki naman ang tiwala ni Raf, at maging ni Mika, sa talino ni Brent.  

'Yun nga lang, sa tanong tungkol sa capital ng Batanes, ang tamang sagot ay kanyang na-miss. Pero hindi man nakuha ni Brent ang jackpot money, nagkasundo sila ni Mika na ibibigay kay Raf ang tinanggihan nilang P50,000. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
MikBrent, nagbigay ng 50,000 pesos matapos hindi masagot ang Pot question | It’s Showtime | Cheezmis